Nanatili akong nakatitig sa kanya. "B-Bata pa tayo Louie." yon lang ang tanging nasabi ko. "Can't you trust me for this? Just for once, stop having doubts for everything." napalunok ako sa sinabi niya. Nakita ko ang sincerity sa pagkasabi niya. Ganon ba ako? Masyado ba akong negative sa mga bagay? Iniisip ko lang naman yung mga posibleng mangyari. Magkaibang magkaiba talaga kami. "Forget it. That's the only solution that I'm thinking right now." tumalikod siya at naunang maglakad. "Let's go." Huminga ako ng malalim bago sumunod ng paglakad sa kanya. Dati naman akong sumusubok sa mga bagay, kung susubukan ko bang sumugal ngayon magiging okay ang lahat? Hindi. Pero alam kong makakaya namin dalawa yon. Naglakad ako ng mabilis para hawakan ang braso niya. Napatigil siya doon at kinunotan