Pagbukas namin ng kwarto ni mama ay bumungad sakin ang lalaking nakatalikod at nag aayos ng gamit sa mesa. "Jake?" mabilis na tanong ko nang makita ko siya. Natigilan siya non at alam kong alam niya na kung sino ako. Ilang sandali pa ay humarap siya sakin ng nakangisi. "Namiss mo ko?" naiahinga ako ng maluwag nang masiguradong hindi nga siya galit sakin. Akala ko may tinatago siyang galit sakin. Natatakot akong mawalan ng kaibigan na tulad niya. Nasa likod niya si mama na ngayon ay nakaupo na at nakasilip sakin. "Mama!" patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Sorry po ngayon lang ako nakarating. Sorry po mama." naiiyak na sambit ko at lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya. "Nakong bata ka, bakit ka naman umuwi dito? Iniwan mo doon si Louie.." "Ayos lang po iyon k-kahit iwa