Hinila ko ang maleta ko at isang malaking bag at hinanap ang sinasabi na pinsan ni Mika. Maraming nakaabang at may mga sulat pa, hindi ko naman kilala ang pinsan niya kaya paano ko malalaman kung nasaan siya? Hindi ako makatawag. Mahal ang international call.
Naging maayos naman ang lahat pag alis ko. Sabi ko kay mama at papa nakakuha ako ng free ticket at bakasyon lang. Pero si Jake alam na hindi bakasyon ang ipupunta ko dito.
Naalala ko pa kung paano kami nagusap bago ako umalis.
"Last week pa pala binigay nila Mika iyan, hindi mo lang naman sinabi sakin?" pinaglaruan ko ang daliri ko habang nakayuko. Nakita kong sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya at huminga ng malalim. Nagpipigil na baka masigawan ako. "Si Zico ba?" napalunok ako sa tanomg nito.
Hindi ako makasagot kasi totoo.
"Tangina naman Aika. Sa loob ng dalawang taon, wala ka na bang nakita kundi siya lang?" ramdam ko ang pait sa boses nito.
"S-Sorry Jake, last na talaga ito. Promise." napaigtad ako nang sipain niya ang upuan sa gilid.
"Bullshit! Pang ilan beses mo ng sinabi iyan. Sa tuwing maglalasing ka, sa tuwing maaalala mo siya. Alam kong mahirap ang dalawang taon nayon. Pero tangina torture din sakin to! Sa tuwing tinatawag mo siya ako nasa tabi mo diba?" pinigilan ko ang hindi maiyak.
Tama siya. Si Jake lang ang nandiyan tuwing hinahanap ko si Louie. Palagi siyang nakaalalay kahit alam niyang hindi naman ako mahuhulog sa kanya. Hindi ko siya masisisi kung bakit siya nagkakaganito ngayon, kasalanan ko. Kasi pinaasa ko siya sa wala.
"Sorry Jake." hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha kanina ko pa pinipigilan.
Ayos lang na sumbatan niya ako. Pakiramdam ko naman, kahit anong sabihin niya walang magbabago sa desisyon at pagmamahal ko kay Louie. Minsan nakakatawa, pakiramdam ko ang martyr kong tao kasi sinasaktan ko ang sarili ko. Pero wala akong karapatang isipin iyon dahil may sinasaktan din akong tao.
"Pag naging maayos lahat ano? Paano ako?" lumunok ako at pinikit magsalita.
"Una palang naman diba? S-Sinabi ko sayo na, h-hindi ko pa makalimutan si.." kumuyom ang panga niya at umiwas ng tingin.
"Fine! Goodluck. Sana ganon parin ang pakikitungo niya sayo. Sana hindi siya nagbago." hindi ko alam kung normal lang ang pagkakasabi niya o may laman talaga iyon.
"Sorry." iyon lang ang kaya kong sabihin sa ngayon.
"Tss. Bahala ka. Gawin mo ang gusto mo." sabi nito at padabog na umalis. Gusto ko sana siyang habulin kaso anong sasabihin ko? Sasaktan ko lang naman siya. Aalis na ako, pero ganito siya. Nakakakonsensya talaga.
Sorry Jake.
Isang buwan ako dito, hindi ko alam kung sinadya bang matagal iyon o ganon na talaga ang nasa ticket. Anong gagawin ko sa loob ng isang buwan doon? Kung mag uusap kami ni Louie ay baka abutin lang ng limang minuto. Pag naiisip ko ang mga negative sides na mangyayari. Natatakot ako.
Sobrang haba ng flight na sobrang nakakapagod. Pero alam kong worth it. Kasi makikita ko siya, tanga naman ako eh. Lulubos lubosin ko na. Makikita ko na siya.
Sa loob ng dalawang taon. Sobrang hirap noon sakin. Lalo na ng mga panahong nag iisa ko. Iyak lang ako ng iyak. Sobrang daming tanong sa isip ko. Sobrang dami ko ng nasayang na oras. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na kakalimutan ko na siya at hindi ko na siya iisipin.
Pero sinong niloko ko?
Walang araw na hindi ko siya naalala. Naghihintay ako. Hoping na babalik siya. At ngayon, ako na itong pupunta sa kanya. Sana lang maging maayos ang lahat. Sana magkita kami ng maayos.
Umiling nalang ako at nag focus sa sitwasyon ko ngayon. Gabi na ngayon sa America. Nasa Dulles International Airport ako kung saan malapit na lugar sa pinsan ni Mika.
*bzzt bzzt*
"Mika! Buti tumawag ka! Nasaan na yung pinsan mo?" hysterical na tanong ko.
Ayokong mastuck magdamah dito sa airport noh. Kahit maganda at malakas ang wifi ayoko parin.
[A-Ah eh.. Ano kasi.. N-Nasa California pala siya ngayon.]
Halos manlumo ako sa sinabi niya. "T-Teka so paano ako? Mika naman oh!" pakiramdam ko naiiyak na ako. "Wala akong kilala dito sa America! Mika.."
Pwede sana kung nasa New York ako nandoon ang relatives ni Annett pwede naman siguro ako doon. Kaso nandito ako sa Washington. Ugh!
[Eh hindi ko naman knows na aalis si cousin--Hello Aika?] boses ni Annett. [Magbook ka nalang sa hotel diyan. Sa Econo Lodge sa may Falls Church. $97 lang.]
"Ha?! Isang buwan ako dito tapos mag hotel pa ako? Alam niyo ba ang dala kong pocket money? $10k lang! Baka pwedeng puntahan ko yung bahay ng pinsan ni Mika at doon muna ako?" narinig ko ang pag agaw ni Mika sa telepono.
[Isang gabi lang naman eh. S-Sorry besh lock yung apartment niya! Uhm.. B-Bakit hindi mo kaya i-try sa suite ni Louie?]
Agad akong kinabahan. "Anong suite?"
[Nakatira kasi siya sa Quantico VA, eh may suite siya sa isang hotel doon na pag aari niya. Courtyard Stafford Quantico yata ang name.] sabi ni Annett.
Napahinga ako ng malalim. "Baliw ba kayo? Ni hindi pa nga kami nagkikita ng tao. Isa pa hindi ko nga alam kung naalala niya pa ba ako o hindi. Tss. Nakakahiya kaya iyon." itinulak ko ang push cart at lumabas.
Argh. Sobrang lamig lang.
[So paano na iyan? Sige na puntahan mo na siya, kapag hindi ka naalala sabihin mo kaibigan kita or ni Ayesha.] hindi ko talaga alam ang rereact sa mga sinasabi nila.
"Ewan ko sa inyo!" inis kong binaba ang tawag at naghanap ng taxi.
Bihira nga lang ang nakita kong mga taxi dahil halos lahat ay nakakotse. Ugh. Mag isa lang tuloy ako. Saan ako pupunta nito? Kung kay Louie ako pupunta. Kainis! Bahala na!
Sumakay agad ako sa isang taxi na napara ko. "Where are we going miss?" tanong nung driver.
"Do you know the hotel named Courtyard Stafford Quantico? Can you take me there sir?" magalang na tanong ko.
"Sure." sagot nito at pinaandar ang sasakyan. "Are you alone?" ang sarap lang barahin ng driver.
Obvious po ba? Eh mag isa lang ho ako.
"Yes."
"You're a filipina right? What brought you here?" tanong nito.
"Uhm.. Im finding someone."
"Your boyfriend? You two broke up?" may chismoso din pala itong driver.
"Yes. Kind of.." nauubusan na ako ng English. Wag ka na hong magtanong.
"You know you should be careful in this area." tinutukoy niya ang mga madidilim na iskinitang nadadaanan namin. "There are so many maniacs and rapists around here. Eight females got reported abused. Its scary so you should be careful." dahan dahan akong tumango at tumingin sa labas.
Nakakatakot din pala dito.
"We're here miss." nagbayad ako at nagpasalamat. Nilabas niya ang maleta ko galing sa likuran ng taxi at inabot sakin.
Namangha ako sa sobrang ganda ng hotel nato. Magkano kaya isang gabi dito? Sobrang pang rich ang dating. Hinila ko ang maleta ko at binuhat ang isa kong bag.
Sana lang makatulog ako ngayong gabi. Nakakapagod talaga ang byahe.
Nasa loob kaya si Louie? Sana naman nandyan siya. Kakapalan ko muna mukha ko, kahit ngayong gabi lang.
Just for tonight.
--