Tiningnan ko ang oras sa orasan at nakita kong gabi na pala.
11:41 pm.
Nakatulala lang ako sa kwarto at wala akong naririnig na ingay sa sala. Siguro tulog na siya, kanina ko pa kasi inuutusan eh.
So, ibig sabihin walang tao sa living room?
Yes! Napangiti ako at dahan dahan inabot ang wheel chair kong nasa tabi ko lang. Walang hirap akong nakaupo dito at pinaikot ang gulong papuntang pinto.
Dahan dahan ko itong pinihit at nakita kong madilim sa loob. Walang tao.
Ngumiti ako at muling pinaikot ang gulong ng wheelchair ko at sinara ang pinto. Kitang kita ko yung swimming pool area niya at sobrang ganda ng langit dahil kitang kita yung buwan kahit mula dito sa loob.
Wow.
Nakakagutom naman.
Feel na feel ko ang wheelchair dahil minsan lang ako mag ganito, isa pa nakakapagod kaya maglakad. Binuksan ko ang ref at kuminang ang mata ko nang sobrang daming pagkain akong nakita.
Dumampot ako ng isang cup ng ice cream at pumunta sa may lamesa. Excited ko itong binuksan. Susubo palang sana ako nang may nagsalita sa likod ko.
"You look like a pregnant dinosaur. You're always hungry.." napatikom ako ng bibig at huminga ng malalim.
Nakita ko siyang binuksan ang ref at kumuha ng lata ng beer. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang umiinom. Nginusuan ko lang siya at sumubo ng ice cream.
"Epal.." bulong ko.
Niliko ko ang wheel chair at kinuha ang ice cream. Sa swimming pool ako kakain, maganda pa ang view. Kaso mabilis akong napatigil nang maisip na wala nga palang tutulak sakin. Hawak ko sa isang kamay ko ang ice cream at sa isa ang kutsara.
Aish.
Bago pa ako makareact ay naramdaman ko ng may tumulak sa wheelchair at dumiretso doon sa swimming pool. Tumikhim ako at lumunok. "Hindi mo naman ako kailangan itulak.." ngumiwi ako at pumikit.
Gusto mo kaladkarin ka niya ganon?
Tahimik nalang akong kumain ng ice cream nang hindi siya nililingon. Nakita ko sa gilid ng mata ko na umupo siya sa isang lounge chair. Sobrang tahimik at tanging hangin at pagkain ko lang ng ice cream ang naririnig kong ingay. May mesa sa gilid ko at doon ko nilagay ang ice cream.
Nakakawalang gana tuloy kumain lalo na nandyan siya. Naiinis parin ako sa kanya.
"Why did you come here? You looks so happy with him." naibaba ko ang ice cream at lumingon sa kanya.
Nakatingin siya sa malayo habang nakatukod ang isa niyang siko sa tuhod at umiinom. Hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi.
"K-Kanino ako masaya? Hindi kita maintindihan.." nilapag niya ang inumin niya sa gilid at nagsalita. "Kung makapagsalita ka parang walang nangyari sakin sa loob ng dalawang taon. Kung umarte ka parang wala lang ang lahat. Naiinis ako sayo." kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sarili kong sumigaw.
Nakita ko lang siyang ngumisi pero hindi ito tulad ng ngisi niya dati. Walang emosyon ang ngisi nayon na hindi umaabot sa mata niya.
"After the accident, I agreed to go here because I wanted to be an FBI. That was already planned, and I told you before that's my dream. My head is messed up when I first came here and they said its normal. But f**k. I felt that something is missing, like a big part of me is gone." napalunok ako at natulala sa mga sinasabi niya. Kalmado lang siya at parang normal lang na nagkukwento.
Hinawakan ko ang dalawang gulong ng wheelchair at pumunta papalapit sa kanya. I badly need his explanations right now! Alam kong may dahilan.
"K-Kailan mo ako naalala?" nanginginig na sambit ko.
"Two months after the accident." napasinghap ako sa sinabi niya. "Nobody told me about you. They dont want me to remember you. I tried to contact you, but my accounts and my phone number are all blocked. I even tried to go back in Manila but my name is on blacklist when I tried to get an air ticket." binasa niya ang labi niya at mariing tumingin sakin. Kalmado ang pakukwento niya pero ramdam ko ang galit dito.
Nanlabo ang paningin ko at kinagat ko ang labi ko. Bigla nalang kumirot ang dibdib ko. "I tried everything Aika, I even punched my father for not saying anything. But he said that its for my own good." mapakla siyang tumawa. "They didn't know that it was a curse move for me."
"S-Sino ang nagpa blocked ng accounts mo? Pati ng phone number mo?" umigting ang panga niya at nakita kong kumuyom ang kamao niya.
"My step mother." matigas na sagot niya. "Damn. I just wanted to kill her that time. She's a totally fuckin lunatic b***h. She even set an arranged marriage for me. Damn her! Her ambitions are too much." gigil na saad niya.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng galit. Gusto ko nalang sigurin ang step mother niya ngayon at bugbugin. Wala siyang karapatan gawin kay Louie iyon dahil hindi naman niya siya tunay na anak. Bakit sagad hanggang buto ang sama ng step mother niya? Ang kapal lang para pahirapan niya si Louie ng ganon.
Sa sobrang galit ko ay ngayon ko lang napansin na kanina pa pala tumutulo ang luha ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Inis? Galit?
Akala ko kasi nakalimutan na niya ako. "Bakit hindi mo sinabi agad? At p-pwede mong tawagan si Ayesha.." naiiyak na tanong ko.
"She blocked all my connections in Manila. I can't contact anyone. I suffered for one year. I really missed you that time.." napahikbi ako ng malakas at tinakpan ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko.
Nasasaktan ako. Nagagalut ako sa sarili ko dahil hindi ako gumawa ng paraan para makita siya. Ngayon lang. Kung sana pumunta ako ng mas maaga pa, sana nagkita kami.
"But then luckily, one of my father's friend own a private plane. I borrowed it to see you there on your 18th birthday." malumanay na kwento niya. "After one year of suffering, I'm going to see you."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pumunta siya ng debut ko?
"B-Bakit hindi kita nakita?" takang tanong ko.
Nakakabaliw lang. Halos hindi ko i-celebrate ang 18th birthday ko dahil gusto ko siya ang last dance ko. Iyak ako ng iyak noon kasi wala siya. Tinuloy ko lang ang party na hinanda nila mama dahil nakakahiya sa kanila at baka magtampo sila. Pero hinintay ko siya non, ni hindi ako natulog dahil baka may magic na maganap at pumunta siya.
"I tried to surprise you, but you fuckin surprised me instead.." galit na tono nito. "Big time." umiwas siya ng tingin at umigting ang panga niya.
"A-Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan na tanong ko.
"I saw you.." lumingon siya sakin at nabasa ko ang sakit na dumapo sa mga mata niya. "I saw you and that bastard kissed. Your parents was happy, everyone was smiling. And you didn't pushed him. It was a great night for all of you.." umiwas siya ng tingin. "But it was a fuckin nightmare in my life. The feeling was f*****g hell."
--