bc

The Guy at the Gate (TNIOW Part 2)

book_age18+
756
FOLLOW
2.3K
READ
drama
comedy
sweet
bisexual
heavy
campus
city
friendship
school
mxm
like
intro-logo
Blurb

Can the heart really remember what the mind forgets?

This is the sequel of The Nerd I'm Obsessed With, written in 2016.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
I never thought that he would catch my attention and interest due to such a small thing. It's childish, I know, pero iba kasi ang impact niya sa 'kin. He may be a total stranger, but he sure moved my heart with what he did for me. Hapon noon at papauwi na ako sa bahay ko. It was cloudy. Maalinsangan ang hangin at nagbabadya ang malakas na ulan. Tahimik ang paligid at marahang nagsisilaglagan ang mga dahon mula sa mga puno. Hindi pa nga ako nakararating sa bahay ko nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bumaling ako sa bag ko pero nakalimutan ko palang magdala ng payong. I glanced around and saw a waiting shed. Agad naman akong tumakbo papunta doon. It was empty except for a boy wearing a black hooded jacket over his navy blue school uniform. Nakasandal siya sa pader ng waiting shed. I can only see his mouth. Natatakpan na ng hoodie niya ang mga mata niya at ang kalahati ng ilong niya. I slightly moved away from him. Mahirap na. Baka may hablutin sa 'kin. Maya-maya pa ay bigla siyang nagtaas ng kamay. May hawak pala siyang panyo. Tumitig na lang ako sa kanya. "You're wet. Wipe yourself," sabi niya na 'di sa 'kin lumilingon. Dala marahil ng gulat ay kinuha ko na lang ang panyo, but I did not wipe myself with it. Napansin niya yata 'yun. "That's my spare handkerchief. 'Di ko pa 'yan nagagamit," sabi ng lalaki. Pinunasan ko na lang ang sarili ko. "Do you have a cellphone?" tanong niya. Napatitig ako sa kanya. I held my bag tightly. Lintik na. Maho-holdap pa yata ako. He almost smiled. "Better text someone from your house na nandito ka. Mukhang matagal pa bago matapos 'tong ulan." Nakahinga ako nang maluwag. "I live alone." We just stood there in total silence for the next few minutes habang hinihintay na humupa ang ulan. Makalipas ang ilang sandali ay may inabot na naman sa 'kin ang lalaki. "Want one?" sabi niya bigla. Inaabutan niya ako ng isang Chuckie. Nagkataon pa naman na paborito ko rin ang Chuckie; pero mahirap na. Baka kung ano pa ang mangyari kapag kinuha ko 'yun. I shook my head. "Wala 'yang lason," he said stubbornly. Kinuha ko na lang ang Chuckie para 'di na ako makipag-argue pa sa kanya. I gazed impatiently at the sky. Medyo nilalamig na ako dahil nabasa pa ako ng ulan. Patay na rin pati ang phone ko. Ayoko namang lumusong sa ulan dahil sakitin pa naman ako. Maya-maya pa ay bigla na lang akong nakaramdam ng siko sa likod ko. I looked around and saw the guy pulling a jacket from his bag. He straightened up bago niya inabot sa 'kin ang jacket niya. "Spare jacket ko. Wear it. Kanina ka pa nanginginig sa lamig." Kung hindi lang talaga ako nangangatog sa lamig ay hindi ko talaga sana kukunin ang jacket niya. Dahil nakakahiya at ayoko namang magmukhang masama kung hindi ko kunin ang jacket ay kinuha ko na lang 'yun at sinuot. A full thirty minutes had passed since na sumilong ako sa waiting shed. May kadiliman na sa paligid. Maingay na ang kalsada dahil rush hour na. Malakas pa rin ang ulan. I just stood there awkwardly habang hinihintay na humupa ang ulan. "It's getting late. Umuwi ka na," biglang sabi ng lalaki. Pinuwersa niya sa kamay ko ang isang payong. He looked at me for a few seconds before smiling. Tumalikod na siya at naglakad na sa ilalim ng ulan. "Wait," sabi ko naman bago pa siya makaalis. The guy turned around. Labi lang talaga niya ang nakikita ko. "Mababasa ka." "I'll be okay," he said simply bago siya tumalikod ulit. "Wait! Kuya!" tawag ko ulit sa kanya. Nanatili siyang nakatalikod, pero lumingon pa rin siya sa 'kin. He looked at me sideways. "Thanks," 'yun na lang ang nasabi ko. The corner of his lips curved into a tiny smile bago siya nagpatuloy na maglakad palayo. Napatitig na lang ako sa sarili ko. I'm holding his handkerchief in my left hand, the Chuckie that he gave to me was already in my pocket, I'm wearing his jacket, and I'm holding his umbrella in my right hand. And he's a complete stranger to me. Mukhang ako pa ang nang-holdap sa kanya. I looked up once again pero wala na ang lalaki sa kalsadang nilakaran niya. Mag-isa na lang ako sa gitna ng ingay ng kalsada at sa malakas na pagbuhos ng ulan. "I'll be okay."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
365.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook