~(XYLESIER CALDERON JR POV) Isang gabi pa lang ang lumilipas and I missed her already. Nakausap raw siya ni Mang and I was relieved to know na maayos lang ito. I would make sure she would talk to me pagkatapos kong ayusin ang lahat. Kalalabas ko lang ng main door at papunta na ako sa sasakyan ko nang may babaeng bigla na lang sumulpot sa harapan ko. "Xylesier..." Wala akong pakialam kung saan siya nagpunta noong pinaalis ko siya ng bahay. Tiningnan ko lanag ito. "What are you doing here?" "I have something to tell you," anito na may pagka-aligaga sa tinig. "I don't care." Nilagpasan ko ito. I wasn't interested in her. I don't care whatever she would say or even if she would try to threaten me again. Hindi ako nakahakbang dahil kinuha nito ang braso ko. "He tried to kill me." Bu