Shes in her costume again bilang manghuhula sa quaipo,ito naman ang pinagkakaabalahan niya after ng mgtinda ng tahong..
Ibang- ibang naman ang custome niya dito puro props na puro peke naman.Napapahagikhik siya minsan sa mga bagay na nakikita niya sa maliit na kwartong ito na inuuupahan niya para manghula ng mga taong gustong malaman ang kapalaran nila.
"Yes marunong siyang manghula pero sarili niya hind niya mahulaan kahit nga yung tae kanina hindi niya nahulaan na maapakan..Hay kung mahulaan ko lang sana ang numero sa lotto milyonarya na sana si ako.
Ako na siguro si Queen Monay, o di kaya Si Donya Monay..hagikhik pa niya kelan ko kaya mahuhulaan yun..
Mag isa lang siya sa lugar na ito ang mga kasamahan niya ay nanduon lamang sa harapan ng simbahan at nakaupo.Ayaw niya duon kasi wlang mapagpahingahan ang mga anak niya pag sumama sa kanya dito sa quiapo.
Kaya kumuha siya ng maliit n kwarto marami din naman pumupunta s a kanya na magpahula.
Hindi nman siya sigurado minsan kung totoo ba ang mga hula niya,bahala sila basta mahulaan ko lang magbayad sila ok na yun.
Marami na rin siyang suki na laging nagpapahula sa kanya at kadalasan mga matrona at mga tumataya sa lotto pati sa karera ng kabayo.
Kung bakit pag siya ang tumaya ay hindi man lang siya mananalo,San pedro bakit mo ako inaapi kasi bakit sila nanalo pag ako hindi..
Naupo na siya sa harap ng bolang kristal niya,seryoso siya talga pag andito sa quiapo ibang iba ang aura niya,kelngan niya yun para maraming maniwala at magpahula sa kanya.
Dalawa lamang sila ng assistant niya isang dalagita na 15 taon gulang..ang kasama niya dito ito ang tagatawag ng magpapahula sa kanya.
Mamaya lang pumasok na ito at may kasamang babae..
"Ate Ylisa andito po ulit si Donya Clarissa,may pahuhulaan daw siya sa iyo.,anunsiyo nito habang papasok ng pwesto nila.
"Sige Jonai,dalhin muna dito..utos niya.
"Magandang hapon,Donya Clarissa,? bati niya dito.
"Magandang hapon din Iha!.kamusta kana?
"Ok naman po ako..bakit po pala naligaw kayo dito? Nagtataka nitong tanong.
Bago kasi pumunta ito sa kanya tatawag pa ito o magpapasabi kaya medyo gulat siya na andito ito.
"May pahuhulaan sana kami sa iyo.anito.
"Cge po Donya Clarissa.maupo na po kayo..sabay turo niya ng upuan sa harapan niya.
Naupo ito paharap sa kanya uumpisahan na sana niya ng magsalita ito.
"Saglit lang iha antayin natin ang anak ko!!,anito.
Nakita niyang may pumasok na lalaki sa loob ng pwesto nila..
Napakagwapo ng mukha,"San pedro ang anghel muna ba ito ang binaba mong sugo usal niyang kikibot kibot ang bibig niya.Titig pa lang dyosko para akong himatayin na,matangos na ilong,gray eyes nakakahalina kung tumingin ,may mapulang labi,napalunok pa siya bigla,napukaw lang siya ng magsalita ang kaharap niya..
"Come Here anak sit here,turo nito sa isang upuan..!
"Iha ito yung anak ko sana magpapahula..agad nitong sabi sa kanya.
"Naku madam bawal ang mga kuripot sa lugar ko walang pera yung kasama niyo po kahit barya sa bulsa wala din pong laman ang pitaka!..kaagad niyang sabi sa ina nitong kaharap.
"The f**k!",
Napahalakhak naman agad ang ina nung lalaki sa sinabi niya.
"Tama ka iha,kuripot nga yang anak ko..nahulaan mo kaagad kaya dito ako sayo lagi nagpapahuhula dahil magaling ka talaga..pambobola pa nito sa kanya.
"Salamat po Donya Clarissa."
Ngiting-ngiti naman ang donya habang ang anak nito hind na maipenta ang itsura..
"Ano po pala ang pahuhulaan niyo sakin Donya Clarissa at sinadya niyo pa talaga ako dito ngaun? muling tanong niya.
Nakikinig lang naman ang isang kaharap niya napapasulyap siya dito at tinitigan ang mukha niya..
"Mom you said the fortune teller is young why is she old and look shes a fake?
"Hoy hindi ako matanda noh! costume ko lang ito,gigil niyang sabi.
Gustong -gusto na niyang batuhin ito ng bolang nasa harapan niya.
"Mom do you believe in that fake fortune teller?
"Yes and see she knows that you dont have a penny in your pocket! natatawang saad pa ng ina nito.
"Ok,iha go ahead..
"Ilagay muna yang palad mo dito sa bola ng mahulaan kuna yang gusto mo pahulaan..pagsusungit na niya.
Nag aalinlangan man pero sumunod din ito sa kanya.
"Tae ang gusto mo pahulaan?natatawang saad niya dito.
"Yes and that f*****g asshole who wipe those s**t poop on my car?galit nitong saad.
Namutla naman siya bigla sa sinabi nito.Alam na niya ngaun ito ang may ari ng kotseng pinagkuskusan niya ng tae ng aso..
"Now tell me if your really a fortune teller who did that on my car?na sinigawan siya. And i will smashed his face."
"Hoy,manghuhula nga ako pero hindi ko mahulaan ang mukha ng taong may gawa sa pagkuskus ng tae sa kotse mo kani- putol nya bigla sa sasabhin at napatakip pa siya bigla sa bibig niya.
Muntik pa niyang masabi na kaninang umaga.Napabuga tuloy siya bigla ng hangin at napatingin dito sa kaharap na nagdidilim ang mukha.
Kinabahan naman siya baka,hmm..San pedro wag moko pabayaan..
"Yes,and that asshole will gonna pay,nakatiimbagang sagot nito.
"Bakit po kasi galit na galit kayo malay niyo naman naapakan ng kotse niyo yung tae at nagkalat?"
"f**k,pati sa gilid ng pintuan ng sasakyan ko may tae naapakan ba yun?sinadyang kinalat! nakakuyom nitong kamaong sabi.
"Oy di naman sa gulong lang!bigla niyang sabi. na nagulat din siya.
"Ha ha ha! natatawang sabi ng ina nito habang nagbabangayan silang dalawa sa tae.
"Damn,tell me who did it? i will pay you? duro pa nito sa knya.
"Bayad muna,at sasabhin ko sino! sabay lahad niya ng palad sa harapan nito."
Dumukot nman ito bigla ng wallet na sinisilip din niya pasimple ang loob at walang laman ang loob nito.Kaya napalakas ang tawa niya ng makitang walang pera.
"f**k s**t,Mom pay her i dont have any money here now..anito sa ina.
Binigyan siya ng ina nito ng isang libo Napapailing na natatawa sa kaharap.
"Here keep the change sabay abot sa kanya ng pera."
"Mom thats too much big!.saway pa ng kuripot nitong anak.
"Tell him now ng matahimik na itong anak ko!sabay baling sa kanya.
"Bata ang may gawa pinaglaruan ang kotse mo kaagad niyang sabi" .,San pedro patawad ilista mo muna ang kasalanan ko ngaun sa pagsisinungaling ko ayaw ko naman mamatay na dilat ang mata.Baka pilipitin nito ang beautiful long neck ko..kawawa namn ang mga junakis kong wala ng nanay.
"f**k s**t,kaya siguro may dala na timba ang mga batang yun gusto nila akong pagkaperahan" galit na galit nitong saad.
"Son your satisfied now? diba magaling siya manghula talaga..Kumbinsi pa ng ina nito.
He just shrugged his shoulder arogante talaga nitong kuripot na to.Kaagad din silang tinalikuran ng ina nito.
Hmm.kung hindi lang yun super gwapo naku batuhin ko yun ng bolang kristal kong peke ang ilaw!
Napasimangot niyang ani sa sarili.
"By the way iha, pagpasensyahan muna yung anak ko may pagkasuplado talaga yun..hinging paumanhin nito sa kanya.
"Naku wala po yun,pasensiya po nasagot-sagot ko pa po siya..
sagot niya dito.
"Pano iha,alis na ako at baka nabubugnot na yung anak ko! babalik ako ulit at magpapahula sayo..
"Sige po Donya Clarissa ,maraming salamat sa bayad niyo..
Ngumiti lang ito sa kanya habang palabas ng kwarto niyang iyun.
"Yes,san pedro salamat hindi mo ako ipinagkanulo ngaun kay satanas..Cge himas ka lang ng manok mo jan..