Last night all I think is about him. Hindi ako mapakali sa hinihigaan kong kama.
At wala akong nagawa kagabi kundi umikot lang at nagpagulong-gulong sa aking malapad at malambot na kama.
Para akong nawawala sa sarili dahil sa huli niyang sinabi.
Gusto ko mang intindihin ang mga huling katagang kaniyang binitawan.
Ngunit hindi kayang abutin ng aking pang-intindi.
Tayo, higa at paikot-ikot sa buong kwarto pero wala pa rin akong maintindhan.
At sa buong gabi na iyon ay pinuyat ako ng husto dahil sa pag-iisip ng husto.
Lumabas ako ng kwarto at nagtempla ng sariling gatas.
Dinala ko iyon sa kwarto at ininom upang makatulog.
Ngunit dalawang baso na ang naubos kong gatas pero gising na gising pa rin ang aking diwa.
Kinabukasan inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa sa cafeteria.
Nakita kong kumakain si Petrus kasama ang mga kaibigan niya at pati na rin si Salme.
Gusto ko sana siyang kausapin pero hindi niya ako pinapansin.
Parang wala lang ako sa kaniya simula kaninang umaga.
Nang magkasalubong kami ay dinaanan niya lang ako.
Ngayon naman ay nakita niya akong nakaupo sa pwestong paborito ko ay malalamig pa rin ang mga titig niya.
Sa nga pinapakita niya ay parang hindi niya ako kilala.
Nakakasakit ng damdamin ang ginawa niyang pambabalewala sa akin.
Wala siyang kahit ano mang emosyon sa kaniyang mukha at bumalik ang dati niyang trato sa akin.
Ang suplado niyang ugali ay mas lalo pang naging suplado kompara noon.
He just passed me at our table and made a sharp stare at Taniel.
My seat was in front of Taniel and next to his girlfriend Ergie.
Maging sila rin ay nagtataka kong bakit gano'n si Petrus.
Nagkibit balikat na lang ako bilang tugon dahil wala rin akong kaalam-alam.
Sumimangot ako at nawalan na ng gana. Nang dumating ang mga pagkaing dala ng kasama namin ay binigay ko ang pagkain ko sa kasama ni Taniel.
"Sa iyo na!"
Hindi ko pa iyon nagagalaw at hindi rin binigyan nang sulyap.
Malungkot akong nagpaalam sa kanila at nagpapahangin na muna ako sa labas.
Wala rin namang pumigil sa akin dahil alam nilang iyon naman ang gusto ko.
Habang nasa labas ng campus wala akong maisip na puntahan.
Bigla na lang sumagi sa isip ko na mag-cutting classes sa iba kong subjects.
When I feel so empty, naisipan kong bumalik at inubos ang oras sa pagbabasa sa library.
At hindi ko inaasahang makikita ko siya roon. It so annoying because he suddenly became rude again.
He didn't even text me last night.
"Oh, ba't ka nandito?" he rudely said.
He is like a woman who is menstruating because of being rude.
I frowned at him. He even meant to time out first, just to ask me such a mean thing.
"Bakit ayaw mo ba akong nandito? May rules na ba na bawal akong manuod dito?" masungit kong tugon sa kaniya at ibinalik ang tanong.
"Baka hinahanap ka na ng Taniel mo?" may diin nitong sabi.
"Huh?" nagtataka ko siyang tiningnan dahil hindi ko alam kung ano ang pinapalabas niya.
"Baka ma-misinterpret pa niya ang pagpupunta mo rito madamay pa ako sa away niyo," mahinahon niyang sabi ngunit wala sa akin ang kaniyang paningin.
Tumayo siya sa gilid ko at ininom ang dala niyang tubig na nakalagay sa kulay black na tumbler.
Aalis na sana siya nang bigla ko siyang tinanong.
"Hindi kita maintindihan," naguguluhan kong wika at kunot noo ko siyang hinarap.
"Ang sabi ko pumunta ka na do'n sa Taniel na 'yon. Kung sa bagay gwapo naman 'yon. Maganda ka at gwapo naman siya! Pareho kayong mayaman!" matigas niyang sabi.
Hindi maipagkakaila sa boses niya ang labis na pagtatampo.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya, kung hindi ako nagkakamali ay mukhang nagseselos nga siya.
"Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo, Petrus?"
"Tsk, pumunta ka na ro'n baka kanina ka pa hinihintay nun," masungit niyang saad sa akin.
At hindi ako makapaniwala sa inasata niya dahil para siyang bata na inagawan ng candy.
Uminom ulit siya at tinunga ang laman ng tumbler na hindi ako pinapansin.
Hindi niya ako tinitingnan pero nasa amin ang paningin ng mga kasamahan niya.
Lalong-lalo na si Julle, matagal ko ng napapansin na nagseselos ito pero ayaw ko lang bigyan ng kaguluhan dahil baka nagkamali lang ako ng pag-intindi.
Alam kong seryoso ang mga kaibigan niya noong sinabi nito na may gusto ito sa akin.
Ngunit dinadaan lang nila sa biro para hindi ito mapahiya.
"I didn't know you were so immature. Of course I was there because I promised for Ergie that we would watch together. Bakit ka ba nagkakaganyan? Nagseselos ka ba?" walang paligoy-ligoy na tanong ko.
"Ano namang karapatan kong magselos? Girlfriend ba kita?" balik tanong niya sa akin.
"Iyon naman pala, eh! Bakit ka ganiyan makitungo sa akin?" panunumbat ko sa kaniya at kahit na nasaktan man ako ng konti sa sinabi niya ay binalewala ko na lang.
"Ano namang pakialam mo?"
"Akala ko ba ay okay na tayo?" papaalala ko sa kaniya at medyo hininaan ko ang boses para magtunog malambing din ang aking boses.
Hinawakan ko siya sa kamay at pinagsiklop ang mga kamay namin.
Ngumiti ako sa kaniya at humarap para matitigan siya nang maigi.
"Bakit hindi ba tayo, okay?" nauutal niyang tanong sa akin.
Napansin kong hindi niya ako masalubong nang tingin.
At ang kaniyang mga tenga ay namumula rin.
"Kung ikinakainis mo ay dahil sa nangyari kahapon. Please... sorry na hindi ko naman alam na hinihintay mo ako kahapon?" panunukso ko sa kaniya.
"At sino namang nagsabing hinihintay kita?" he denied.
Kaya napabuntong hininga na lang ako dahil ayaw niya talagang umamin.
"Alam mo napaka-denial mo. Halata naman, eh! At huwag mo nga akong sinasabihan na bagay kami ni Taniel. Boyfriend 'yon ng best friend kong si Ergie. Kapag iyan dumating sa kaniya lagot ka talaga sa akin. Baka 'yan pa ang maging dahilan na magkahiwalay sila dahil sa fake news na binibintang mo," naiimis kong sabi.
Napansin ko ang gulat sa kaniyang mukha.
Namamangha niya rin akong tiningnan at bumalik na ang saya sa kaniyang mukha na kanina ko pa gustong abangan.
"Hindi kayong dalawa?" tanong niya sa akin at parang hindi makapaniwala sa narinig.
Umiling ako at napansin ko na pinipigilan niyang ngumiti sa harap ko.
At ang magkahawak naming mga kamay ay mas hinigpitan niya nang kapit.
"Ano bang inaakala mo?" I said angrily to him.
I was annoyed because of what he was just saying.
If he's jealous, he can tell me at hindi iyong kung ano-anu ang pinagbibintangan niya sa akin.
Binawi ko ang kamay ko at nagpanggap na nagalit.
Tinalikuran ko siya kaagad at iniwan siyang nakatayo roon na walang paalam.
At sa labas ng campus bawat nadadaanan kong maliit na bato ay sinisipa ko dahil sa inis.
Maraming pumapansin sa akin ngunit wala ako sa mood para bigyan sila ng atensyon at panahon.
Akala ko kasi ay hindi niya ako sinundan. Nag-iinarte lang naman ako kanina dahil gusto kong magpasuyo.
"Alam naman niyang siya lang ang gusto ko tapos kung ano-anu pa ang iniisip niya. Pwede naman niya akong kausapin at tanungin pero hindi niya ginawa," inis kong sabi at medyo nagsisisi na rin kung bakit ako umalis.
Gusto ko mang bumalik pero nakakahiya naman kung babalik pa ako.
At ano na naman ang idadahilan ko kung sakali?
Malalaki ang ginawa kong mga hakbang at tuluyan na ngang nakalayo sa covered court.
Ngunit paglingon ko sa likod laking gulat ko na nakasunod pala ito sa akin.
Hindi ako makapaniwala dahil hindi ko siya napansin kanina.
Ang akala ko ay hinayaan niya na lang akong umalis.