Chapter 16

1746 Words
"Dawn, huwag ka ngang magbiro ng ganyan," nag-aalala niyang sabi. Lalo pa at nakikita niyang galit na ako. Hinablot ko ang kamay ko pero kulang pa rin ang lakas ko sa kanya. "Bitaw!" matigas kong utos pero tinitigan niya lang ako sa aking mga mata. "Huwag ka namang magsalita ng ganyan Dawn, pag-usapan natin 'to, hindi 'yong ganito," seryoso niyang wika sa akin. Nababatid ko rin sa kayang boses ang labis na kalungkutan at takot. "Bakit mukha ba akong nagbibiro? Gusto mo nang hiwalayan 'di ba? Oh, 'di sige, maghiwalay na tayo. Alam ko naman kasing nagsisisi ka na dahil naging girlfriend mo ako 'di ba? Oh, sige, ayan na! Malaya ka na at huwag na huwag ka nang lumalapit ka pa sa akin. Doon ka na sa Salme mo, magpakasaya kayo! Malaya kng gawin ang gusto mo," matapang kong wika. Binuhos ko ang lahat ng lakas ko para matanggal ang hawak niya sa akin. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla na naman niya akong pinigilan. Mahigpit ang hawak niya sa pulsuhan ko at walang balak na bumitaw. "Teka lang, wala akong sinabing gano'n. Makikipaghiwalay ka sa akin sa ganoon kababang dahilan?" nababalisa niyang tanong at halatang natatakot sa naging pasya ko. "Ano ngayon? Isa pa tama naman ako 'di ba? Ayaw mo lang aminin pero nararamdaman ko 'yon," I argue with him and get disgusted as well. "Napaka-immature mong mag-isip," he said in annoyance and seemed to be running out of patience. He massage his forehead and filled with frustration. "Bakit, ikaw ba hindi? Immature ka rin naman! Kung tratuhin mo nga iyong tao para bang may ginagawa itong masama? Siguro nga talaga, kaya ka nagkakaganyan dahil ikaw talaga ang guilty. Baka siguro nakipaglaplapan ka sa Salme na 'yon kaya ang tagal mong nakabalik, tapos isusumbat mo sa akin ang hindi ko ginawa." "Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo? Hindi nga kita ginaganyan, tapos sa kanya pa talaga? Oo alam ko may kasalanan ako," huminto siya sa pagsasalita at pumikit ng mariin. Ng ibuka niya ang kanyang mga mata ay nagpakawala siya ng matunog na hininga kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. "Hindi," sabay iling habang nagpapatuloy sa pagsasalita. Nagbago rin ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Naging seryoso ito ngunit puno ng pagpapakumbaba. "Kasalanan ko lahat kaya sorry kung pinagdudahan kita. Nadala lang ako sa selos ko, dahil alam kong may pagtingin 'yon sa iyo, pero hindi 'yon sapat na dahilan para hiwalayan mo ako nang basta-basta. Parang sobra naman yata 'yan? Pakiramdam ko pinaparusahan mo ako sa kasalanang hindi ko ginawa. Kung nagseselos ka pwede mo namang aminin. Huwag naman 'yong makikipaghiwalay ka na lang kaagad." Nilapitan niya ako at niyakap nang sobrang higpit at sinserong humingi ng paumanhin. Puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata at ang mga boses ay kanina pa nagmamakaawa. Wala siyang bukang bibig kung 'di ang humingi ng tawad nang paulit-ulit. "Bukas na natin pag-usapan 'yan," pinal kong sabi at nawawalan na nang ganang makipag-usap. "Oh, 'di sige rito na muna tayo total malapit ng mag-umaga. Kaya ko pa namang tumayo rito at hindi ako bibitaw hanggat hindi mo ako napapatawad," seryoso niyang wika habang mahigpit akong niyayakap. "Bitawan mo nga ako, naamoy ko pa 'yang amoy ni Salme sa 'yo," masungit kong saad. "Sorry na alam mo namang kinarga ko siya kanina. Nakita mo naman 'di ba, hindi na niya kaya pang maglakad," paliwanag niya pero baiirita pa rin ako. "Sana all," I rolled my eyes while complaining. Tatanggalin ko na sana ang yakap niya nang bigla niya akong binuhat pangkasal. "Oy! Ano ba? Ibaba mo nga ako!" patuloy kong reklamo. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa gulat kaya nahampas ko siya sa dibdib ng hindi sinsadya. Pero tumawa lang siya sa akin na para vang hindi niya ako naiintindihan. "Alam ko namang nagagalit ka dahil kinarga ko si Salme. Kaya kakargahin na lang din kita para hindi ka na magtampo. Kaya please 'wag ka ng magalit, magkaibigan lang naman kami ni Salme at ikaw ang girlfriend ko kaya 'wag ka ng masungit," he gave a sincere explanation and tried to make me understand the situation. Napabuntong hininga ako. "Oo na! Sige na nga, pero ibaba mo na muna ako. Baka may makakita pa sa atin dito." "Sabihin mo, munang pinapatawad mo na ako!" pangungulit niyang ani sa akin at ang boses ay may halong paglalambing. "Oo na nga! Basta ako lang, ha? Malaman ko lang talaga," "Oh, ayan ka na naman, nag-iisip ka na naman ng masama sa akin. Wala pa ngang krimen, suspect na ako agad." He was laughing as he spoke. So, I also laughed at his reaction. And I laughed even more because of the last thing he said. Nang magkatitigan kaming dalawa natanggal na ang lahat ng galit namin. Tumawa na lang kami sa aming mga kahibangan. We've been almost break up lately. But everything we had quarreled with now was all gone from our minds. If only Petrus hadn't been so patient with me. I'm sure he would have let me go but I'm very lucky with him for being understanding. "Oo na nga, sige na ibaba mo na ako!" Utos ko ulit. "Okay, pero kiss mo na?" panunukso nito sa akin. "Dito talaga sa labas?" siningkitan ko siya sa aking mga mata. "Oo, may problema ba?" "Ayaw ko nga baka may makakita pa sa atin," pagmamatigas ko. "Sa ganitong oras?" "Huwag mo na lang akong ibaba kesa naman hingian mo ako nang halik," reklamo ko. "Oo sige na ihahatid na lang kita sa loob para makapagpahinga ka na," sumo niyang tugon at nagsimula nang maglakad patungo sa loob ng bahay. Napangiti na lang ako habang nakakapit ako sa leeg niya. Sinandal ko ang ulo sa balikat niya at pasimple siyang inaamoy sa leeg. Madilim na ang buong bahay nang pumasok kami sa loob. Diniretso niya ako sa taas patungo sa aking kwarto ng walang kahirap-hirap. Para lang siyang nagbibitbit ng unan. "Baka kagatin mo na ako niyan, ha?" natatawa niyang sabi kaya siniksik ko ang ulo sa dibdib niya. Walang mapaglagyan ang nararamdaman kong hiya dahil napansin niya pala na inaamoy ko siya. Hindi na rin ako kumibo dahil hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin at sasabihin. Hanggang sa marating namin ang tapat ng kwarto ko. Inutusan niya akong buksan iyon at ginawa ko naman. Pinasok niya ako sa loob at dahan-dahan niya akong nilagay sa gitna ng kama. Ngumiti siya saka ito nagpaalam. Ngunit bago siya lumayo ay hinalikan niya muna ako sa aking noo. "Sige na matulog ka na, aalis na rin ako," paalam niya sa akin. Sinabit ko mga kamay ko sa leeg niya at pinigilan siyang makalayo. "Dito ka na matulog." Umiling siya at parang kinakabahan sa suhisyon ko. "Bakit, ayaw mo? Nakainom ka tapos masyado ng gabi," wala sa sarili kong wika. "Kaya ko pa namang umuwi. Sige na matulog ka na," utos niya ulit sa akin. Sumimangot ako. "Please, tabi tayo," malambing kong hiling. "Hindi pwede!" Umatras siya sa akin at mukhang takot. " Bakit hindi?" nagtataka kong tanong. "Basta!" "Wala naman tayong gagawing masama at bakit parang kinakabahan ka?" "Hindi pwede, nakakahiya sa mga magulang mo. Ano na lang iisipin nila kapag nalaman nilang magkatabi tayong natulog?" "Wala naman sila Mommy at Daddy." "Mas lalong hindi nga pwede!" "Eh, di magpapaalam ako. Nasa'n na ba 'yong cellphone ko at tatawagan ko si Mommy," saad ko. Nang makita niyang tatawagan ko na si Mommy ay inagaw niya ang cellphone ko at lumayo siya kaagad sa akin. Tumayo ako sa kama para lapitan siya upang kunin ang cellphone ko pero hindi niya binigay. "Ano ba yang mga kalukuhan mo? Pinagti-trip-pan mo ba ako?" reklamo niya sa akin. "Bakit naman kita pagti-trip-pan? Mukha ba akong hindi seryoso?" Habang nakaangat ang kamay niya para ilayo sa akin ang cellphone ko. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinalikan siya sa kanyang labi. Dampi lang at mabilis lang iyon. Nang tignan ko ang itsura niya ay wala lang itong reaksyon. Dahil sa curiosity ay unulit ko ang paghalik sa kanyang mapupulang labi. Napansin kong kinabahan siya habang nakatayo pa rin sa gilid ng pinto at ang mga kamay ay hindi magawang ihawak sa akin. Nang ilayo niya ang mukha niya sa akin ay hinalikan ko siya ulit. Ngunit gaya ng una at ang pangalawa kong halik ay hindi pa rin siya tumutugon sa akin. Kaya sa huling pagkakataon ay hinawakan ko ang pisngi niya at inulit ang masuyong halik ngunit hindi na tulad ng una at pangalawang beses. Sinasabayan ko na ito nang galaw sa labi at sinadyang kagatin ang malalambot niyang labi. Ngunit wala pa rin siyang naging reaksyon sa aking ginawa at hindi pa rin tumutugon. Sa nangyari ay parang naging kahihiya ako sa harap niya. "Ayaw mo ba?" nagtatampo kong tanong. Nasaktan ako sa reaksyon niya dahil pakiramdam ko ay hindi ako kaakit-akit sa paningin niya. "Hindi naman sa gano'n kaya lang—" Pinatigil ko siya upang maputol ko ang sasabihin niya. "Huwag ka ng magdahilan pa, kung ayaw mo, iyon na 'yon! Wala ng ibang rason." Tinulak ko siya at bubuksan na sana ang pinto para palabasin siya. Ngunit pinigilan niya ako at mabilis niyang inikot ang magkabila niyang kamay sa aking bewang. Hindi ko na nagawa pang magsalita nang bigla niya akong siniil nang halik. Halatang binuhos niya sa halik ang lahat ng pagtitimpi sa akin. At ngayon ko lang na-realize na kanina pa niya pinipigilan ang sariling huwag akong hawakan. Naamoy ko ang amoy mint sa kaniyang hininga na may halong amoy ng alak. Isang mahabang halik at halik na nakakaagaw hininga. Isang halik na bumuhay sa init ng aking laman. Siya lang ang tanging lalaking nahalikan ko buong buhay ko. At hindi ko inakalang dahil sa halik niya ay para akong nawawala sa huwisyo. Kapwa kaming nakainom at parang gusto ng sumuko ng aking p********e. May kiliti na rin akong nararamdaman sa kaloob-looban ko ngunit hindi ko puntirya kung saan. Ang mga kamay niya ay naglalakbay na rin sa buo kong katawan na mas lalong nagpapausbong ng aking nararamdaman. Isang pakiramdam na mapanghanap. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako makontento sa ganito lang. Kapwa kaming nawawala sa aming huwisyo at hirap ng pigilan pa ang aming mga sarili. Nalulunod na rin ako sa sobrang sarap at handa na kung ano man ang kahahantongan. Mahigpit ang mga kapit ko sa buhok niya at minamasahe ang malalambot niyang buhok habang lumalaban sa kaniyang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD