Hindi ako mapakali sa loob ng kuwarto habang nakadiin ang phone sa tenga ko dahil hindi ko masyadong marinig ang sinasabi ng kuya ko. Ang lakas kasi ng pagbuhos ng ulan. Isama mo pa 'yong kulog na talagang kinakabog ang eardrums ko. Pati na din ang kidlat na binibigyan ng extra at panandaliang liwanag ang kuwarto ko. Medyo nakakatakot lang dahil mag-isa lang ako dito sa apartment. Ang lakas pa ng ihip ng hangin na para bang may bagyo. O baka meron ngang bagyo ngayon. "Walang puwedeng sumundo sa akin dito? Even you?" I asked my brother. Mas diniinan ko pa ang paglapat ng cellphone para malinaw ko siyang marinig kahit na naka-loudspeaker na ito. Mukhang hindi pa yata ako makaka-attend do'n sa company event nila Ari ngayon. Kanina pa talaga dapat ako umalis dito ngunit nagpahintay si Cecil