Abala ako sa pakikinig sa usapan ng mga kasama ko sa office habang nagla-lunch kami sa isang malapit na kainan sa company building. Nagkakayayaan na naman sila na lumabas sa Saturday ng gabi at magtungo sa Nightlife since day off nila. At kahit ano'ng gawin nilang pamimilit sa akin, ayoko nang sumama pa. Ayoko nang maulit 'yong nangyaring pag-aaway namin ni Mishari dahil sa kanila. Lalo na ngayon na maayos na ako sa daddy niya. Hindi pa nga ako masyadong makapaniwala hanggang ngayon. Ilang araw na din ang lumipas mula nang bigyan ulit ako ng tsansa ni Tito Marcus para patunayan ang sarili ko sa kaniya o sa kanilang lahat na ako ang para kay Mishari at wala ng iba. Malaya na din akong nakakatungo doon sa kanila at hindi na ako masyadong kabado sa tuwing kaharap ko siya. "Sumama ka na ka