When Jillian and I got back together, our friends were surprised to see us holding hands while walking inside the bar. Tandang-tanda ko ang reaksiyon sa mukha ni Crizette at Trisha no'n. Siguro ay hindi nila in-expect no'n na magkakabalikan pa kaming dalawa dahil nakita nila na masaya na ako kay Laureen. O mas mabuting sabihin na nag-assume sila na masaya na ako sa kanya. Kahit si Jillian ay alam kong inisip ang gano'n. Pero sinabi ko naman sa kanila na wala na kaming dalawa bago pa man kami umuwi dito. Actually, kay Britz ko talaga unang ipinaalam iyon hanggang sa sabihin ko na din kay Andrei at Jamayma. Nakapaglabas pa ako ng sama ng loob ko no'n dahil nakita ko si Jill at Alfred sa loob ng sasakyan na naghalikan pa. Ang sabi naman ni Andrei no'n ay hindi naman gano'n ang nangyari, ayo