"Are you sure you don't want to extend your stay here a little longer?" Tanong ni Melissa sa malungkot na tinig. Saglit pa nitong sinulyapan ng tingin si Mishari na inilalagay sa cart ang mga maleta namin habang tinutulungan ng boyfriend ni Melissa. Tapos na ang limang araw namin dito sa Paris at ngayon ay nandito kami sa departure area ng airport para tumungo naman sa Italy. Ang bilis ngang lumipas ng araw, pero alam ko na nasulit naman namin ang limang araw na stay namin dito. Hindi nga lang namin napuntahan ang ibang tourist spot dito, ngunit wala namang problema iyon. Na-enjoy ko naman talaga ang pananatili namin dito. Sa Milan, Italy naman ang eksaktong destinasyon namin ngayon at baka magtungo din kami sa Rome. And we will go there by air. Puwede namang by land at sasakay kami ng

