Chapter 149

2409 Words

Ilang sandali akong nakipagtitigan sa kanya habang bahagyang naka-awang ang aking mga labi. Itinagilid naman niya ang ulo niya saka itinaas ang dalawang kilay. Siguro ay hinihintay niya ang paliwanag ko. "Isn't this supposed to be Hizon, Jillian Isabelle?" Muli niyang sinulyapan ng tingin ang surname ko na nakalagay sa CV. At hindi pa siya nakuntento do'n dahil tinuro-turo pa niya. Wala sa sarili akong napa-tikhim saka tumango-tango bilang pagsang-ayon. "N-No -- yes... I mean, I'm sorry. Nakalimutan kong i-edit bago ko i-print," paliwanag ko. Totoo naman na nakalimutan ko lang na i-edit. Hindi ko kasi napansin na iyon pa din ang nakalagay sa CV ko dahil sanay akong apelyido ng tatay ko ang gamit ko. Nasa phase pa ako ng pag-a-adjust sa married name ko. Hindi ito kaagad na nagsalita at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD