Hindi mabura-bura sa mga labi ko ang matamis na ngiti pagkatapos kong maka-usap ang mga magulang ni Jillian. Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam dahil alam ko na umayon silang lahat sa gusto ko. Though, may ipinakiusap sa akin ang daddy ni Jillian na kung puwede ay pagkatapos na lang ng graduation, doon ako mag-propose sa kanya. Wala namang problema sa akin iyon dahil malapit na din naman. Mabilis lang naman lumipas ang araw. Baka hindi ko namamalayan, anim na pala ang mga anak namin ni Jillian. Dumiretso ako sa bahay nila Britz nang umalis kami sa restaurant. Para kung sakali mang maisipan ni Jillian na magtanong at manigurado sa kaibigan namin kung pinuntahan ko siya, sasabihin niya na nanggaling ako sa kanila. Hindi siya magdududa sa akin at hindi ako magmumukhang sinungaling kahit na