"Jill, daan muna tayo sa bahay, ah?" Ani Ari na nagda-drive ngayon. Saglit pa itong lumingon sa akin saka ngumiti. Pagkatapos naming magka-ayos sa apartment kaninang dumating siya do'n, nag-aya na siyang umalis. Ni hindi na nga kami nag-usap talaga tungkol sa mga nangyari no'ng isang gabi, eh. Basta ang alam ko ngayon, maayos na kami. Balik na ulit kami sa dati dahil nahimasmasan na siya. Akala nga ni Ellie ay doon kami pareho matutulog. Kung hindi lang siguro dumating si Ari, do'n talaga ako matutulog para bigyan muna siya ng oras para makapag-isip. Pero dahil pinuntahan niya ako do'n, heto ako ngayon at nakasakay na sa sasakyan niya. "Sa bahay niyo?" Tanong ko. Kahit saan pa siguro kami makarating ngayon, sasama at sasama pa din ako. "Yup. May kukunin lang ako," tugon nito. "Or do'n