CHAPTER 17 3rd Person POV NAGPUNTA si Sam sa Leyte Oriental Hotel kung saan pansamantalang tumuloy ang magkasintahan habang hihintayin ang mga magulang ni Renzo na galing Southern Leyte. Nang makita niya na naglalakad papasok ng entrance si Laurel ay walang kibong nilapitan niya iyon at mabilis na hinablot ang mahaba at makapal na buhok ng babae. “Aray! Ano ba?!” iritang sigaw ng dalaga habang hinahawakan ang kaniyang buhok upang mapigilan ang taong sumabunot sa kaniya. Mabilis na humarap si Laurel kay Sam at nang matantuan ang presensya nito ay tinulak niya palayo kaya napaupo ito sa semento. Muli niyang inayos ang kaniyang buhok bago kausapin ito. “Sinundan mo talaga ako, Sam?” yamot na tanong nito. Tinapunan ni Sam ng masamang tingin si Laurel na tila gusto niyang balatan ng buh