CHAPTER 41 3RD PERSON POV TILA huminto ang oras ni Sam nang bumugad sa kaniya ang kantang Endless Love, na naging theme song nila ni Renzo. Nasa bandang sulok si Sam upang hindi siya makita ng mga taong dumalo sa wedding reception. May kung anong kirot siyang naramdaman na makita niya muli si Renzo. Ang damdamin na iyon ang siyang nagpukaw sa kaniya pabalik sa nakaraan. Tumayo si Sam mula sa swing nang makita niya si Renzo dala ang maliit na tantya niyang speaker. Umupo si Renzo sa telang nakalatag sa damuhan. “Para saan iyan?” tanong ni Sam nang umupo siya sa harap nito. “Ipapatugtog ko ang theme song natin,” ngiting sabi niya nang i-on ang bluetooth speaker. Kinuha ni Renzo ang cellphone niya at pinindot ang play button matapos i-connect ang bluetooth. Nang magsimula ang musika