CHAPTER 61 ALLISON’S POV NAPANGITI ako nang pinadulas ko sa mesa ang white envelope na may lamang pera papunta kay Mister Lee. Sigurado akong naghihinagpis ang dalawa ngayon dahil sa nangyari. Hindi ko na siguro problema iyon na hindi sila nag-isip nang maayos bago mag-invest. Alam ko na mahuhulog sila sa patibong ko dahil masyado silang bulag pagdating sa pera. “Salamat, Miss Allison. Ang dami naman nito!” maligayang wika ni Mister Lee habang lihim na binibilang ang pera sa loob. “Dinagdagan ko iyan dahil malinis kang magtrabaho. At sana naman hindi mo pinaalam sa iba ang nangyari ngayon,” istrikto kong wika sa kaniya kaya napaangat siya ng ulo sa akin. “O-opo, Miss Allison. Hindi ko po pinagsabi sa iba…tayo lang po ang nakakaalam,” ngising tugon niya sa akin saka binalik ang tingin