CHAPTER 70 ALLISON’S POV MALUNGKOT kong hinagkan nang mahigpit si Chris no’ng aakyat na siya sa private jet. “Please take care,” matamlay kong sabi sa kaniya pagkuwan ay humiwalay ako ng yakap. He smiled at me and he said that everything will be alright. Mahinay niyang hinawakan ang pisngi ko at pinisil iyon. “I will miss you again,” aniya nang titigan niya ako sa mata. Muli ko siyang niyakap nang mahigpit kaya narinig ko ang marahan niyang pagtawa. Di kalaunan ay bigla niya akong ginantihan ng pagyakap at binuhat kaya napasigaw ako’t tumawa. “Ibaba mo na ako! Ang bigat ko na, eh,” nahihiya kong sambit sa kaniya saka niya ako binaba. “Tama nga ang bigat mo na. Please work on your diet and exercise,” pang-aasar niya sa akin. Umasim ang mukha ko saka mahinay na tinampal ko ang bali