Chapter 36 3rd Person POV NAPIRMI si Renzo sa kinatatayuan niya nang mabasa sa cellphone ang mensaheng galing kay Winston. From: Winston Alam ko na ngayon ang sekreto mo, Renzo na may anak ka kay, Sam. Biglang tumunog iyon at muli niyang nabasa ang mensahe nito. From: Winston Paano na lang kung malaman ni Chairman na may anak ka sa iba? Baka hindi na matuloy kasal niyo ni Laurel. Unless, kung ibibigay mo sa akin ang posisyon na iyon. Ilang sandali pa ay nakita niya ang huling mensahe ni Winston—ang litrato ng kaniyang anak na karga ni Sam. Napasandal siya sa pader nang makita iyon. Akala niya ay napatay na ni Eduardo ang bata. Nginig na binitawan niya ang cellphone, kaya’t nahulog ito sa sahig. “Hindi puwedeng mangyari ito!” sigaw niya, saka malakas na pinukpok ng kamao sa pader