CHAPTER 24 SAM’S POV PAGKALIPAS ng anim na linggo mula no’ng nanganak ako ay awa ng Dios naka-recover na ako. Naglaho na rin ang kirot at nakakalakad na ako ng maayos. Laking pasalamat ko rin nang magbigay pa ng isang buwan na palugit ang Bridal Fashion Show dahil makakaabot pa ako sa application biglang designer. Bumaba ako ng kuwarto upang kumain ng agahan karga si Isabella at saabutan ko si Nanay Sally na naghahanda ng pagkain sa lamesa. “Magandang umaga!” maligayang pagbati niya nang makababa na kami. “Good morning Nanay Sally. Bigla ko tuloy naalala no’ng pinaghahanda mo ako ng breakfast bago pumasok sa school at hanggang ngayon may anak na ako,” pabirong sabi ko sa kaniya. “Naku ka talaga, hija. Sinabi mo pa!” natatawang tugon niya sa akin saka inunat ang mga braso upang k