CHAPTER 31 SAM’S POV “NATAGPUANG patay kagabi ang isa sa kinikilalang contestant ng Bridal Fashion Show na si Anna Marie sa loob ng kaniyang apartment. Nakumpirmang nagpakamatay umano ito dahil hindi ito nanalo at nakuha ang scholarship program matapos ang event. Nakita rin ng mga pulis ang kakaibang mga litrato ng kilalang fashion designer na si Christopher Moore, na sa palagay nila ay obsessed ang biktima dito. Tantya din nila na may anxiety ito nang matagpuan ang isang bote ng antidepressant drug.” Pinatay ko ang telebisyon matapos kong marinig ang nakakakilabot na balita. Naalala ko kahapon na kasama ko si Anna Marie, ngunit may kakaiba sa kaniya lalo na no’ng tinititigan niya ng masama si Laurel. “Kawawa naman si Anna Marie. Sa sobrang depressed ay hindi na kinaya ng isip niya ku