Natalie: Hindi sa mansion ang punta namin ni David kundi sa ibang lugar. "David san mo ako dadalhin?" "Shh you should trust me." Sabi nito habang may maliit na ngiti sa mga labi. Bakas man ang kalungkutan sa mga mata'y hindi naging hadlang yun para patuloy parin siya sa pagpapasaya sakin. Tansiya ko'y malayo layo na kami sa siyudad. Medyo nakakaramdam na ako ng pagkapagod marahil ay dahil kanina pa kami bumabyahe ni David. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. Initapat niya yun sa kanyang puso at ipinarada ang sasakyan malapit sa malaking puno. Kitang kita ang kabundukan dahil malagubat na ang paligid at nagniningning ang kalangitan dahil sa dami ng mga bituin. Binuksan niya ang likod ng kanyang sasakyan kung saa'y nakatapat ito bulubunduking tanawin at kumikinang na kal