Shannon: "Mom where's tito Derek?" Tanong sakin ni Sabrina. Hindi ito sanay na wala ang kanyang tito. Binuhat ko ito at inupo sa lap ko. Inayos ko ang maganda at kulot nitong buhok. "Do you want me to read your favorite book?" Pagiiba ko na lamang ng topic. Laking ngiti sakin ng anak ko. Gustong gusto niya kasing binabasahan ko siya bago matulog. Mabuti na lamang at hindi niya hinanap pa si Derek dahil hindi ko rin alam kung ano nga ba ang pinag kakaabalahan nito. Kinarga ko na si Sab at umakyat na kami ng hagdan. Nakakapit naman sakin ang anak ko na nakahilig ang ulo sa balikat ko. She's so clingy. Sawakas ay natuntong ko na ang silid ni Sab. Nagtungo muna ako sa book shelf niya at kinuha ang paborito nitong libro. "The baba dook story" yes she loves horror stories. Pumwesto na agad