Natalie: Nanghina ako sa katotohanang ipinagtapat sakin ni David. Di ko na napigilan ang pagluha ko. "Hey please don't cry. Baby please." Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko tsaka tarantang pinunasan ang mga luha ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi sakin ha! Bakit?" Hindi ko napigilang sampalin siya ng napakalakas. Kung tao lang si David malamang sira na yung mukha niya. Sa lakas ng aking sampal ay napalingon ito ng malakas sa gawing kanan niya. Hindi siya nanlaban at hinayaan lang niya ako. "Magsalita ka!" Isang malakas muli na sampal ang binigay ko sakanya. Napapikit lang ito marahil sa pag tiis ng sakit. Tumulo na ang dugo nito sa ilong at sa bibig dun lang ako nahimasmasan. Ayokong saktan ng ganon ang lalaking mahal ko. Ayokong pagbuhatan ito ng kamay. Tumayo ako at lumayo s