Charlotte: "Hindi niya ako mahal." "Shhh wag mo sabihin yan. Baka madami lang iniisip ang daddy mo." Naawa ako sa batang si Talia. Hinahaplos ko ang kanyang itim at makintab na buhok habang naka upo ito sa kanyang kama at nakabusangot ang mukha dahil sa ama niya. "Teacher dito ka nalang tumira please?" Nagulat ako sa sinabi nito. "Ha?" "I said dito ka nalang tumira para may kakampi ako." Malungkot ang mga mata nito. Narito kami sa kanyang silid ngayon. "Hay alam mo Talia gusto na kitang iuwi nalang sa bahay ko kaso siyempre hindi naman pwede yun. Ikaw talagang bata ka wag mo isipin ang daddy mo mahal ka non." Hindi ako sigurado sa mga sinasabi ko pero kung ito ang magpapasaya sa bata ay gagawin ko. "Asan ba ang mommy mo?" Natahimik naman ito dahil sa tanong ko. "Sorry Talia you don