Natalie: "Asan si David?" tanong ko sa katulong na nagwawalis sa salas ng mansion. Gabi na kasi at ni hindi ko man lang naabutan si David kaninang umaga. Napatulog ko nadin si Talia. "Nako Mam hindi ko po alam eh. Hindi ko din po naabutan ang Lord kanina." Sabi nito. "Ah ganon ba sige dito nalang ako maghihintay." Sabi ko dito at naupo na ako sa malambot na sofa. Inabot ko naman ang remote para manood ng TV habang wala pa si David. Tumagal yun ng ilan pang minuto. Nadagdagan ng oras hanggang sa hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising nalang ako sa lamig ng hangin na humaplos saking pisnge. Pagdilat ng aking mga mata'y bukas padin ang TV at naka dim na ang ilaw. Napatingin ako sa malaking wall clock ng mansion. Alas tres na ng madaling araw. Nasan ang asawa ko? Napansin kong