Matapos ang sandaling yun ay napagpasiyahan namin ni David na pumasok na sa loob. Pasado alasingko na ng madaling araw iyon at madilim parin ang kalangitan. Napadaan kami sa dating silid na aming tinutulugan na ngayo'y naka doble kandado na. Rinig na rinig ang hinagpis ang pagsisigaw ng babae sa loob ng silid na nag ngangalang Veronica. Napahinto pa ako ng hawakan ni David ng mahigpit ang aking kamay dahil sa pagkalutang ko. "It's okay Natalie I won't let her hurt you." Sabi niya sakin. Napangiti naman ako sakanya. Si Madam Hilga ay naabutan pa namin sa salas ng taas na palapag at napayuko sa pagdating ng kanilang pinuno na si David. Napangiti naman ako kay Madam at ganoon din siya saakin. Hinatak na ako ni David sa silid hindi ko alam kung bakit siya nag mamadali. Para bang naiirita ito