"Tuloy ka." Agad akong pinatuloy ng matanda. Humagpas agad saking balat ang malamig na simoy ng hangin. "Nasa itaas ang Lord." Sabi nito. Napatitig ako sa kalakihan ng mansion na to. Parang palasiyo sa laki at tiyak na maliligaw ka. Yakap ko ang sarili ko sa kaba na hindi ko maintindihan. Sinamahan na ako ng matanda pagtuloy hanggang dito sa loob. Saming paglalakad ay natatanaw mo ang naglalakihang mga chandelier sa malawak na kisame. Ang sahig ay kumikintab at maaaninag mo ang sarili mong repleksiyon. Tinahak namin ang napakahabang hagdan patungo sa pangalawang palapag. Kakaiba na ang sahig dito dahil puros carpet na kung kaya'y hindi mo na maririnig ang pag echo mismo ng bawat yapak mo. Nagtuloy tuloy kami hanggang sa pinaka dulo at bumungad sakin ang napakalaking pinto. "Hanggang