Bigla na lamang akong nakaisip ng hindi maganda. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at tinalon ko ito. Nagpreno agad si Derek sa pagkakagulat. Hawak hawak naman ni Shannon si Sabrina kaya't hindi niya ako nahawakan agad. Nagpaikot ikot ako sa talahiban. Naramdaman ko pa ang ilang sangang gumasgas saking balat. Pero wala na akong pakialam. Buong lakas akong tumayo habang hawak hawak ang tiyan ko. Babalik ako sa mansion. Hindi ko makakaya kung may mangyayareng hindi maganda kay David. Mamamatay ako, mamamatay ako kapag nawala siya sakin. "Natalie!" Pagsisigaw ni Derek ngunit mabilis akong nakatakbo pabalik. Natunton ko agad ang mansion at walang alinlangang pumasok. Pagpasok ko'y bumungad sakin ang puros wasak ng mga kagamitan at ilan pang bahid na mga dugo. Narinig ko ang pag sunod ni De