[The Dark Mafia] Talira: "Ayokong kumain! Patayin niyo nalang ako sa gutom. O di kaya tawagin niyo yung magaling na Lord nyo at patayin nalang niya ako!" Sigaw ko sa mga katulong. "Lady Talira kapag hindi kayo kumain kami ang malilintikan sa Dark Mafia." Sabi ng isang babae saakin ang pinaka nakakataas sa lahat ng mga katulong dito sa mansion. "Wala akong pakialam! Asan ba siya? Wala! Wala siya. Kaya't gagawin ko kung anong gusto ko! Layas, lumayas kayo ayoko ng tao dito!" Nababalisa ako. Hindi naman ako ganito noon. Nagsimula ito ng ikulong ako ng walang pusong Dark Mafia sa mansion niya. I am now a prisoner. Dinaig ko pa nga ata ang mga preso dahil sa mga chains na nakakabit sakin. Nakatali ang dalawa kong mga kamay ngunit kaya kong kumain dahil mahaba ang tali. Nakakadena din ang