"What are you doing here, Iha?" tanong ni Marga na maagang nagising dahil sa kalampag ng tagabantay ng mga apo sa tuhod. Gusto sanang ikuha ng manugang nila sa apo ng tig-isang katulong sina Irish Janine at Scarlett Gale kaso ayaw ng una ang Yaya. May Super Lola at Lolo raw ito kaya't wala silang nagawa kundi ang hayaan dahil totoo namang para itong tuko sa pagkapit sa manugang at anak niya. Sa lahat ng mga apo nila ay ito ang bukod tanging walang pinapakinggang iba kundi ang ninuno sa ina. "Siguro nawawala na naman ang mga agala mo ano?" tanong na rin ni Shane I. "Eh, iyon nga po, Sir, Ma'am." Kakamot-kamot itong napatingin sa silid ng mag-asawang Garrette at Christine Joy. "Huwag ka ng malungkot, Iha. Hindi naman nawawala ang mga apo ko. Surer than sure they are both inside my son's

