CHAPTER FIFTEEN “ETO na!” wika kay Ingrid ng kasama niyang si Allan. Lumabas ito mula sa kusina at may dala-dala na ngayong dalawang slice ng chocolate cake. Habang nasa opisina kasi siya ay tumawag ito kanina at nagyayang kumain ng sweets. Hindi naman siya makapag-focus sa trabaho dahil maya't-maya ang pagpasok ni Logan sa kanyang isipan, halos wala nga siyang tulog kagabi kakaiyak dahil sa mga sinabi ng huli, kaya sinubukan niya ngayong lumabas kasama si Allan to divert her attention. They ended up buying Redribbon and brought it to his condo. Tipid siyang ngumiti sa lalaki. Ibinigay nito sa kanya ang isang slice ng cake saka naupo ito sa katapat niyang couch.

