CHAPTER EIGHT Tuluyan itong napabangon nang makita siya. “Grid, kanina ka pa dumating? Pasensya ka na, nakaidlip ako.” anito. “Ah, hindi naman. Ba't dito ka natutulog sa sala?” hindi niya naitago ang lambot at concern sa sariling tono. “Hinihintay kasi kitang dumating. Ayos ka lang ba?” Tiningnan niya ang suot na wristwatch at nakitang alas diyes ymedia na pala ng gabi. Sa pagkakaalam niya'y alas siete pa lamang ay tapos na ang office hours nito sa sarili nitong bangko na pinagtatrabahuhan at umuuwi na ito rito sa bahay sa pareho ring oras. Ibig sabihin ay hinintay siya nitong dumating ng halos tatlo at kalahating oras? Naramdaman bigla niya ang kirot sa kany

