KUMALAS siya sa binata at bahagyang lumayo rito. Bagaman may takot pa ring namamayani sa dibdib niya para muling umibig, gusto naman niyang bigyan ng pagkakataon ang sarili para muling sumaya. "Akala ko pa naman kaya ka nagpunta rito ay dahil na-mi-miss mo na ako. May gusto ka lang palang patunayan," kunwa'y nagtatampong sabi niya. Nakangiti naman itong lumapit at muli siyang kinabig para mayakap. "Ofcourse plus factor na lang 'yon, Tif. Miss na miss na talaga kita. Apat na araw kitang hindi nakita at alam mo bang kung hindi lang ako busy that time, e, pupunta talaga ako sa 'yo. Iba 'yung nagiging pakiramdam ko kapag hindi kita nakita ng isang araw." "Hindi ako naniniwala. Hindi ka nga nag-message ng four days, e." "Sinadya ko talaga 'yon. Akala ko kasi ma-mi-miss mo ako at ku-kumus