TIFFANY AYAW man niyang ihatid siya ni Arnie sa silid ay wala naman siyang pagpipilian. Hindi niya kayang maglakad dahil talagang masakit ang kanyang paa. Ang totoo'y ilang na ilang siyang humawak dito pero nang huminto ito at sabihing kumapit siya rito ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya sumunod. Pagdating nito sa kwarto ay kaagad nitong pinihit ang doorknob niya at diretso siyang ipinasok sa loob. Isinara nitong muli iyon saka siya maingat na inilapag sa kama. Yumuko naman siya at hinilot-hilot ang paa. Ayaw niyang magkatinginan pa sila kaya mas pinili na lamang niyang magyuko ng ulo. "Masakit pa ba?" narinig niyang tanong nito pero hindi siya nag-abalang mag-angat ng mukha. "Oo," tipid niyang sabi. "Gusto mo bang lagyan natin ng bandage?" "Hindi na, salamat."