TIFFANY MAKALIPAS ang apat na araw mula ng mag-usap sila ni Arnie sa telepono ay lipad na niya patungong Cebu. Hinatid siya ng pamilya niya sa airport at doon ay magkikita naman sila nina Mrs. Madrigal at ng pamilya nito para sa flight nilang alas nuwebe ng umaga. "Mommy, mag-ingat ka po doon. Ma-mi-miss po kita," sabi ng anak niyang karga ng kanyang ama. "Hmmm...ang sweet naman ng anak ko. Of course, mag-iingat si Mommy doon. At pag-uwi ko, bibilhin na natin 'yung Piano na nakita mo online, okay ba 'yon?" "Talaga po?" nanlalaki ang mga matang tanong ng anak. Matagal na nitong hiling iyon ngunit dahil may kamahalan ay hindi niya nabili agad. "Yes, baby. Mag-wo-work muna si Mommy. Pero pag-uwi ni Mommy, promise mabibili na natin 'yon." Kinuha niya ang anak sa Papa niya saka niya ito