MAKALIPAS ang ilang araw ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Zach. "Hello, Tif? Saturday bukas, busy ka?" "Hindi naman, Zach. Why?" "May gusto sana akong i-discuss sa 'yo kapag binisita ko si Catie. Okay lang?" "Oo naman, Zach. No problem." "Thanks. Okay, have a good day, Tif." "Same to you, bye!" Pagkababa niya nang telepono ay napaisip siya. Ano kayang bagay ang gusto nitong i-discuss na hindi pwedeng sa telepono na lang sabihin. KINABUKASAN ay hindi siya pumasok. Dahil sa pag-u-usapan nila ni Zach ay si Joy na lamang ang pinapunta niya sa store. Sinabi niya sa kapatid na kung may time pa ay susunod na lamang siya pero sinabi nito na mamahinga na lamang siya. "Ano kaya ang pag-u-usapan n'yo, ate?" usisa ng kapatid habang tinutuyo ng tuwalya ang basang buhok. "Hindi ko nga