Chapter 1

999 Words
    Magaan ang pakiramdam ni Tiffany ng araw na iyon. Ngayon ay ika-limang taong anibersaryo ng kasal nila ng asawang si Zach at excited siyang sorpresahin ito. Luluwas siya ng Maynila kahit ang alam nito ay may sakit siya, iyon kasi ang  sinadya niyang sabihin para hindi nito maisip na baka puntahan niya. Dahil gusto niyang makasama ito sa espesyal na araw na iyon, nagpasya siyang puntahan ito sa kumpanyang pinapasukan. Nag-set pa siya ng alarm para maagang magising dahil may kalayuan rin ang Bulacan sa Maynila. Excited siya dahil sigurado siyang matutuwa ito kagaya ng dati kapag sinasadya niya ito sa kumpanya. Sakay ng bus ay naisipan niyang i-text ang asawa. TIFFANY: Goodmorning, hon! Happy 5th wedding anniversary! Okay lang kahit hindi tayo magkasama ngayon. Sa weekend na lang tayo mag-celebrate. I love you! ZACH: Happy wedding anniv hon! TIFFANY: love you! and I miss you!     Tatlong taon ng Team Leader sa isang BPO company si Zach at nag-o-opisina sa Malate, Manila. Kasama nitong nangungupahan roon ng isang apartment ang ate nitong isa ring call center agent, na balita niya ay lumipat na rin sa kumpanya nina Zach. Alam niyang panggabi ang oras ng mga ito ngayon at alas nwebe ng umaga ay nakalabas na ang dalawa. Ilang beses na rin siyang nakarating sa sampung palapag na building na kinalalagyan ng opisina ng mga ito kaya hindi na siya naligaw. Sa lobby ay inokupa niya ang isang bench at matiyagang naghintay. Makalipas ang kinse minutos ng sa wakas ay makita si Zach. Napangiti siya sa kinauupuan at sinuklay pa niya ng mga daliri ang mahabang buhok. Wala sa loob na pinagpatong ang mga labi at diniinan iyon. Tiyak na matutuwa ito pagkakita sa kaniya lalo't espesyal na damit ang kanyang suot. Maging siya mismo ay espesyal dahil naka-make up siya ngayon, na bihirang mangyari. Pero ang nararamdamang excitement ay napalitan ng masamang kutob ng matanaw na may kaagapay itong sexy at mestizang babae sa paglalakad. "Marahil ay officemate niya." kumbinse niya sa sarili. Napatingin siya sa braso ng babaeng naka-abrisyete pa kay Zach. Doon ay bumulusok ang kaba sa dibdib niya. Kung titingnan ang mga ito'y mahihinuha mong hindi lang simpleng officemates ang relasyon ng dalawa. Sa klase ng ngitian, harutan at galaw ng bawat isa, ay lumilikha ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang tahimik na pagmamasid habang palapit ng palapit ang mga ito. Ang mga sumunod na pangyayari ay kumumpirma sa kutob ni Tiffany. Pakiramdam niya ay namumutla siya na nasusuka na hindi niya maintindihan. Napatutop siya sa dibdib sabay hawak sa pader sa gilid dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang panghihina ng tuhod. Si Zach ngayon at ang babae ay naghahalikan na ilang dipa ang layo sa kanya. Palibhasa'y isang malaking signage ang nasa harap niya, hindi siya makikita kung hindi rin lang siya lalabas. Ang babae ay tila hindi pa nakuntento at ipinulupot pa ang dalawang braso sa leeg ni Zach, habang ang magaling niyang asawa ay nakahapit pa sa baywang ng babae. Sa bawat galaw ng labi ng mga ito ay kasabay ng pag-agos ng luha sa mga mata ni Tiffany. Hindi niya alam kung gaano katagal naghalikan ang dalawa, tanging ang alam niya ay tila punyal na nakaturok sa dibdib ang nasasaksihan niya ng mga sandaling iyon. Pinakapigil niya ang sarili dahil ayaw niyang mag-eskandalo. "Bye, Babe!" narinig niyang paalam ng babae matapos ang bulungan at kilitian ng mga ito. "Bye! I'll call you later, okay?" "Okay. Hihintayin ko. Bye!" maarteng sabi ng babae bago tuluyang naglakad palayo. Doon na siya nakakita ng pagkakataong komprontahin si Zach. Lumabas siya sa pinagkukublihan at mabilis naman siyang nakita nito. "H-hon...k-kanina ka pa ba diyan?" awang ang bibig na sabi nito. Nakita niyang mabilis na napawi ang ngiti sa labi ng asawa at tila nagkulay suka ang mukha. Patuloy siya sa pag-iyak. Tila sasabog ang dibdib niya sa sakit at galit na nararamdaman. Inilang hakbang niya ang pagitan nila ni Zach at biniling ang mukha nito sa isang malakas na sampal. Wala na siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga taong naroon. Ang mahalaga ngayon ay maipakita niya rito kung gaano siya nasaktan. "Nagulat ba kita ha, Zach?? Kanina pa ako rito at nakita ko lahat hayup ka!" nanginginig ang boses na sabi niya. "Hon, l-let me explain, please?" tinangka nitong lumapit pero lumayo siya. "Wala ka ng ipapaliwanag, Zach! Damn you! Nakita ko na ang lahat! Napaka-hayop mo!" lumuluhang sabi niya sa mahinang tinig. "All these years akala ko totoong mahal mo ko! Akala ko totoo 'yung sinabi mo na kuntento ka sakin! Anniversary natin kaya naisipan kong sorpresahin ka. Hindi ko naman akalain na---" nahihirapan na siyang huminga dahil sa pag-iyak na batid niyang hindi niya kayang pigilan. Huminto siya dahil tila magko-colapse na siya 'pag pinagpatuloy ang pagsasalita. "Hon, let me explain---" ulit nito at muling lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niya pero mabilis niya iyong binawi. "At ano'ng ipaliliwanag mo?? Napaka-hayop mo! Ni hindi mo man lang naisip ang anak mo!" Binayo niya ang dibdib nito sa sobrang galit. Nag-umpisa na ring lumuha si Zach. "Hon, please, pag-usapan natin 'to. Nagawa ko lang 'yun dahil---" muli ay hindi nito natapos ang sasabihin dahil nagsalita na ulit siya. "No! We're done now, Zach! Tapos na tayo kaya 'wag ka na rin umuwi sa bahay! Hindi ko kayang makita ka pa. Sinira mo ang pangako natin sa isa't isa at pinagdamot mo sa anak mo ang magkaroon ng buo at masayang pamilya!" patuloy siya sa pag-iyak at nagbara na rin ang kaniyang ilong. Nag-u-umpisa na ring dumami ang tao sa paligid nila pero wala na siyang pakialam. "Hon, no! Please---" umiyak na rin ito ng tuluyan at lumuhod pa sa harap niya pero tila manhid na ang kaniyang pakiramdam. Binawi niya ang mga kamay na muling hinawakan nito at nagpunas ng mga luha. "Goodbye, Zach!" nagmamadaling tinalikuran na niya ito ng walang lingon-likod. Desidido siyang makalayo bago pa mag-enjoy ang mga tao roon sa panonood sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD