Maria's POV Sa sinabi ni Roberta, sa tingin niya ba ay hindi ako tutuloy kila Mommy? No way. Lalo na at nandoon si Alas at si Inay Mildred. Ang pinagtataka ko ay.. anong ginagawa nila sa bahay? At sino ang pamilya Morales na ito? Kinakain ng kaba ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko may hindi na naman magandang mangyayari sa pag-uwi ko na ito. Huminga ako ng malalim at binalingan ang taxi driver na ang atensyon ay nasa daan lamang. "Manong, baka 'ho pwedeng paki-bilisan ang pagmamaneho? Emergency lang po." Napakamot lang ang driver nang sulyapan siya nito. Kagat-labi akong nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi ako mapakali. Sunod-sunod ang tunog ng cellphone ko. Marahil ay si Roberta iyon at kukulitin lang ako na huwag tumuloy. Bakit ayaw niya akong patuluyin? Anong r