Maria's POV "More fierce, Victoria. Look me in the eye with your burning eyes." Ginawa ko ang pinapagawa ng photographer ko. Ngumiti siya ng maluwang at nagpatuloy sa pagkuha ng litrato sakin. Habang ako ay kung ano-ano pang pose ang ginawa na magugustuhan niya. "Good job, Victoria. See you at your interview." Bumeso siya sakin bago umalis. Isang taon na akong nagmo-modelo at artista pero dito ako naninirahan sa Paris. Simula nang iwan ko ang Pinas ay hindi pa ako muling nakatapak roon. Ayoko nang umuwi kung ako lang pero dahil hindi naman ako suwail na anak ay mapipilitan pa akong umuwi ngayong summer. Isa rin sa dahilan ay ang trabaho ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sa Pinas ishu-shoot ang ibang scene para sa movie na gagawin namin ngayong taon. "Gosh, Victoria! Ang sexy-sexy mo