Maria's POV
Maaga akong gumising dahil pupunta ako ng school para kausapin si Sir Dizon tungkol sa project na ibinigay niya sa ‘kin. Hindi ko na magagawa ‘yon kaya makikiusap ako na kung puwede ay iba na lang na proyekto ang ibigay niya sa ‘kin. Kung kinakailangan na magmakaawa ako ay gagawin ko maka-graduate lang ako. Ayokong ma-dismaya sila Mommy at Daddy dahil dito.
Pagkalabas ko ng kuwarto ko ay siya ring labas ni Ate Devora sa dati kong kuwarto na kanya na ngayon. Ngumiti agad siya sa ‘kin nang matamis na sinuklian ko rin ng isang ngiti.
"Good morning, bunso. May lakad ka?" tanong niya habang sinusuklay ang buhok nya.
"Oo, Ate. Sa school lang. May aasikasuhin lang," sagot ko at sumabay na sa paglalakad niya.
"Sayang naman. Pupunta ang boyfriend kong pulis dito mamayang mga lunch. Ipapakilala ko na siya kila Mommy at Daddy," malungkot niyang sambit.
"Don't worry, Ate. Hahabol na lang ako mamayang lunch kapag maaga ang tapos ko sa school," pagbibigay alam ko kahit walang kasiguraduhan na makakahabol ako. Ayoko lang na nalulungkot ang ate kong ngayon ko lang nakasama. Kahit may iba akong nararamdaman sa sarili kong kapatid ay mas nananaig ang kagustuhan ko na mas mapalapit at makilala siya. Siguro naman itong nararamdaman ko sa kanyang kakaiba ay lilipas din. Dala lang siguro ito nang mahabang panahon namin na pagkakawalay sa isa't isa.
"Promise ‘yan, ha?" umaasa niyang sabi sa ‘kin na ikinatango ko lang sa kanya.
Nakarating ako sa university namin na pasado alas-otso na. Dahil nasermunan pa ako ni Daddy na kaya raw ako nasa Muntinlupa ay dahil nandoon ang boyfriend ko at nangupahan pa raw kami ng kuwarto. Seriously? Tuliro na nga ang utak ko tungkol sa project ko ay ganito pang bintang ang ibabato sa ‘kin. Ni manliligaw nga ay wala, boyfriend pa kaya? At hindi ko alam kung saan niya nakuha ang chismis na iyon. Umagang-umaga!
Sinalubong ako ni Sheena na nakangisi na sa ‘kin ngayon.
"What?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Nothing. Kumusta naman kayo ni Baby Alas mo?" nang-aasar niyang tanong na ikinairap ko sa hangin.
"Walang nangyari sa pagpunta ko do’n! Nakakainis pa ang ugali ng hambog na ‘yon! Pa-interview lang ay ayaw. Akala mo kung sino! Feeling artista at VIP! Kairita!"
Tinawanan naman ako ni Sheena na mas ikinaasar ko pero hindi ko na lang pinatulan ang nakakaasar niyang tawa. Iniwan ko siya at dumiretso sa office kung nasaan daw ngayon si Sir Dizon.
Pagpasok ko ay agad niya akong sinenyasan na mukhang inaasahan na niyang darating ako ngayong araw.
"Good morning po, sir," bati ko sa kanya na sinagot lamang niya ng marahan na tango.
"Alam kong hindi mo nagawa ang project mo, Miss Fuentabella."
Napalunok ako sa pambungad sa ‘kin ni Sir Dizon.
"Pasensya na po kayo, sir. Masyado po kasing matigas si Alas. Ayaw niya magpa-interview. Magtanong lang ako ay binabara na niya ako agad," nagpapaawa kong sabi dahil baka sakaling maawa at bawiin sa ‘kin ang proyekto.
"Alam mo ang patakaran ko, Miss Fuentabella. Sayang naman kung hindi ka makaka-graduate kasabay ng mga kaibigan at kaklase mo," seryoso niyang saad sa akin.
"S-sir, baka po p-puwedeng iba na lang pong project ang—"
"I'm sorry, Miss Fuentabella. Pero ang mga project ninyo ay nagmumula sa pinaka-may-ari ng unibersidad na ito. Hindi ko maaari na baguhin ang mga iyon. At kung hindi mo talaga magagawa ang project na ibinigay sa ‘yo ay wala na rin kaming magagawa para sa ‘yo. That's it."
Lumabas ako ng office na lulugo-lugo. Tuliro ang utak ko kung paano kong mapapapayag si Alas na magpa-interview sa akin kahit kaunti lang sana, tapos dagdagan ko na lang ng ilang impormasyon.
"Oh, kumusta?" bungad sa akin ni Sheena.
"Walang pagbabago," malungkot kong sagot.
"E, ‘di gora ka na pabalik sa Muntinlupa. Sayang ang oras at araw."
Napatango na lamang ako sa kanya at mas minabuti na umuwi na lang muna para makausap sila Mommy. Pero napahinto ako nang yumakap sa akin si Sheena na tila naglalambing.
"Oopss, not now frenny. Huwag ka na muna umuwi. Let's hang out muna. Nami-miss na kita."
Kahit gusto ko ang hinihiling ni Sheena ay tinanggihan ko pa rin siya dahil pakiramdam ko binibilangan ako ni Sir Dizon ngayon.
Tumatakbo ang oras ko para sa proyekto kong ito na ikinasasakit na ng ulo ko. Isa pa ay ilang linggo na lang ay graduation na namin, ayoko namang maiwan ng mga kaklase ko at kaibigan ko. Sila ga-graduate ako nama'y babagsak. At ang pinaka-ayoko ay ang madismaya sakin ang mga magulang ko. Iba ang pamantayan nila pagdating sa pag-aaral.
Kagabi lang nang lumabas ako ng kwarto ko ay narinig ko ang kuwentuhan nina Mommy, Daddy, at Ate Devora sa mismong kuwarto nila Mommy. Ibinibida ni Ate ang lahat ng achievement niya sa school at buhay. Alam kong masama at mali pero nakakaramdam ako ng inggit lalo at pakiramdam ko ay mas lalong lumayo ang loob ng mga magulang ko sa akin nang dumating si Ate. Ngunit lagi kong isinisiksik sa utak ko na, binabawi lang nila ang mga panahong nawalay si Ate sa amin pero ako ba? Ako na malapit sa kanila pero ang hirap nilang abutin. Ako na malapit sa kanila pero parang hangin lamang ang presensiya ko sa kanila.
Napangiti ako nang mapakla. Wala na sigurong mababago sa pagitan ko at ng mga magulang ko, nandito man o wala ang ate ko.
Umuwi ako ng bahay para magpaalam na muna kila mommy na kailangan kong bumalik sa Muntinlupa para sa project ko. Wala naman silang pakialam sakin kaya alam kong ora-orada ay tatango sila.
Pagkapasok ko palang sa bahay namin ay napag-alaman kong wala si ate. Sinundo daw ang boyfriend. Si daddy naman ay nasa kumpanya namin may inaasikaso lang saglit habang si mommy ay nagpe-prepare ng mga pagkain para sa bisitang darating.
Inayos ko na muna ang lahat ng gamit ko. Dinala ko ang mga mahahalagang bagay. Hindi ko alam kung may isang linggo akong tatagal sa Muntinlupa, basta nagdala ako ng mga extrang damit incase na magtagal ako. Sana lang talaga ay madaan sa mabuting pakiusapan si Alas kung hindi, ewan ko na lang.
"Mom, I need to go now. Nagmamadali ako at mananatili ako sa Muntinlupa ng kulang-kulang isang linggo, pakisabi na lang kay dad." Tuloy-tuloy kong paalam sa kanya.
Tumigil sya sa pag-aayos ng pagkain at hinarap ako habang magkasalubong ang mga kilay.
"Anong gagawin mo sa Muntinlupa? Umamin ka nga, Maria. May boyfriend ka bang tinatago sa amin ng daddy mo?" Napaawang ang labi ko sa narinig. My gaaad! Saan ba nila nakukuha ang ganitong walang kwentang bagay?
"Manliligaw nga wala, boyfriend pa kaya mom? Para sa project kaya ako pupunta ng Muntinlupa. Kailangan kong ma-interview ang isang preso." Paliwanag ko na ikina-hinga naman ng malalim ni mommy.
"Siguraduhin mo lang Maria at malilintikan ka samin ng daddy mo oras na may tinatago ka samin!" Tumango na lamang ako bilang sagot. "Oh, kumain kana muna bago umalis. Parating narin siguro ang ate mo at boyfriend nya." Agad akong umiling sa paanyaya ni Mommy dahil ayokong gabihin sa daan.
"Thanks mom but I'm sorry, I'm in a hurry talaga. Bawi nalang ako paguwi ko kay ate at sainyo. I'll go now."
Hila-hila ko ang maliit na maleta ko at ipinasok sa sasakyan ko. Yes, I have my own car. At ito na ang gagamitin ko para hindi na ako nahihirapan sa kaka-commute.
Mabilis kong minaneho ang sasakyan ko palabas ng bakuran namin at sakto ang baba ni Ate Devora sa isang itim na sasakyan pero hindi ang kasama nya kaya bumusina na lamang ako sa kanya bilang paalam na aalis na muna ako. Kumaway lamang sya sa akin bago ako sumibad palayo.
Ilang oras ang binyahe ko pa-Muntinlupa. Halos hapon na ng makarating ako sa inuupahan kong kwarto. Pagod at gutom ang nararamdaman ko pero mas minabuti ko na ayusin muna ang mga gamit ko. Nag-abot narin ako sa landlady ng dagdag bayad para sa upa ng kwarto para ma-extend ang pag-stay ko dito.
Tiningnan ko ang wristwatch ko at alas-kwatro pa lamang ng hapon. Pwede pa kayang dumalaw sa bilibid?
Nagbihis ako agad ng isang simpleng tshirt lang at short shorts atsaka ko pinusod ang buhok ko ng mataas. Naglagay lang din ako ng liptint at pulbo para simple lang dahil bilibid lang naman ang pupuntahan ko.
"Hello, Manong. Pwede pa po ba dumalaw?" Agad akong nakilala ng guard na nagbabantay sa gate.
"Oo, hija. Pero hanggang isang oras nalang." Tumango ako sa kanya bago nya binuksan ang maliit na gate para papasukin ako.
Sa visiting area naman ay iba na naman ang pulis na naabutan ko. Pero hindi katulad ni Morales na manyak, ito nama'y mabait at madali kausap kaya agad akong pinapasok.
Kahit kinakaban ako sa muli naming paghaharap ni Alas ay mas inisip ko ang kapalaran ko kapag hindi ko nagawa ito.
Dahil alam ko na kung nasaan ang kwarto ni Alas ay ako na lamang mag-isa ang nagtungo. Hindi rin naman kalayuan. May mga pulis na nagroronda sa bawat paligid at sinisilip ang bawat kwarto ng preso kung maayos siguro o pasaway.
Napakagat labi ako habang nakatitig sa pintuan ng kwarto ni Alas. Hindi ko malaman kung kakatok na ba ako o mag-iipon ng lakas ng loob?
"Ikaw yung gerlpren ni Alas diba?" Napatingin ako sa dalawang preso na huminto malapit sakin.
Girlfriend? Oo nga pala, nagpakilala akong girlfriend ng siga na yon.
"Opo. Nandito po ba siya?"
"Nandyan sya pero lasing. Maiwan kana namin." Tinanaw ko na lamang ang dalawang presong palayo sakin.
Lasing si Alas? Hindi ko alam na pwede pala ang alak sa loob ng bilibid. Nagkibit-balikat ako bago idinikit ang tenga ko sa pintuan. Kaluskos lang ang naririnig ko. Tulog kaya sya?
Sinubukan kong pihitin ang doorknob at nakahinga ako ng maluwag nang umikot ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kaunti lamang para silipin kung ano ang ginagawa ni Alas.
Nang ipasok ko ang ulo ko pintuan ay agad bumungad sa paningin ko si Alas. Nakaupo sya sa isang upuan habang nakayuko. Walang pang-itaas na damit at tahimik lamang ito na tila natutulog.
Pumasok ako ng tahimik at isinarado ang pintuan ng marahan tsaka ako lumapit kay Alas na nakayuko parin.
Sinilip ko sya at nakita kong nakapikit ang mga mata nya. Natutulog sya?
Kahit naiilang ay hinawakan ko ang balikat nya at niyugyog sya ng kaunti para gisingin.
"Alas?" Tawag ko pero wala syang sagot.
Ako ang nahihirapan sa ayos nya kaya nang masiguro kong hindi sya magigising ay kinuha ko ang dalawa nyang kamay at inangat. Ang bigat nya grabe! Buong lakas ko syang itinayo mula sa pagkakaupo habang yakap-yakap ko sya. Ganitong posisyon ang alam ko para ma-balanse ko ang bigay naming dalawa. Ungol lang ang naging sagot nya sakin.
"s**t, Alas! Wag mo ko kapitan! Babagsak tayo gago ka!" Iritado kong sita sa kanya kahit hindi ko alam kung naririnig ba nya ako o hindi.
Ang higpit ng hawak nya sa likuran ko na anumang oras ay mawawalan ako ng balanse.
At kahit hirap na hirap ako ay nadala ko sya sa gilid ng kama nya. Pagpapalitin ko na sana ang pwesto naming dalawa para maihiga ko sya sa higaan nya ng bumagsak kaming dalawa. Hindi ko na kinaya ang bigat nya.
Napatapik na lang ako sa noo ko nang maramdaman ang kabigatan ni Alas na nasa ibabaw ko. Namula ang mukha ko nang makita ang posisyon naming dalawa.
"Alas?! Alas! Umalis ka sa ibabaw ko! Maawa ka sa liit ng katawan ko." Medyo nilakasan ko ang boses ko dahil baka sakaling magising sya pero wala. Tulog mantika ang gago.
Niyugyog at tinulak ko na sya pero wala parin. Pakiramdam ko mas humigpit ang pagkakayakap nya sakin. Akala ata unan ako.
Sumuko narin ako dahil sa pagod. Hindi parin ako kumakain at pagod pa sa byahe. Nahihirapan man akong huminga dahil sa bigat ni Alas ay kaya naman kaya minabuti kong umidlip muna kahit saglit lang. Isang oras pa naman ang itatagal ko dito.
Papikit na ako nang maramdaman ko ang pagkilos ni Alas pero dahil ginugupo na ako ng antok ay hindi ko na pinansin ang paglikot nya at napangiti ng maliit sa narinig..
"Maria makiling."