Maria's POV Lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko para sa araw na ito ay kusang naglaho nang bumungad sakin ang naka-ngising si Alas. Napaupo ako sa simentadong sahig at saka napa-hagulgol ng malakas dahil sa araw rin na 'to ay nakahanap ako ng kakampi kahit na hamak na preso lamang s'ya. Alam kong hindi ito kagarbo ngunit dito ay naramdaman ko na may halaga ako. "Masyado ka namang naging emosyunal sa surprise ko sa'yo, Makiling. Pancit lang yan, kung makahagulgol ka parang dinala kita sa New York." Peste talaga kahit kailan. Panira ng moment! "Kahit naman pancit lang yan, sobrang saya ko na dahil sa'yo ko naramdaman yung kahalagahan ko." Mahina kong sambit habang walang humpay sa pagtulo ang luha ko. Tumitig muna s'ya sakin bago ako inalalayang tumayo. "Wag ka nang iiyak sa su