Maria's POV Namamaga ang mga mata ko nang lumabas ng banyo. Palagay ko ay kailangan ko ng pahinga ngayong araw pero malabong mangyari hangga't nandito si Mommy at Ate Devon. "Victoria, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Niyakap ako ng mahigpit ni Roberta nang makita ang itsura ko. "It's okay. Nandito lang ako. Wag kana umiyak." Tumulo ang luha ko pero agad ko rin iyong pinalis at humiwalay ng yakap sa kanya. "Pwede bang hindi muna kami mag-practice ngayon ni Alas? Nandito kasi sila mommy at ate, alam mo naman sila." Tumango siya at ikinawit ang kamay niya sa braso ko bago kami lumakad. "Alam mo konting-konti nalang sakin 'yang nanay at kapatid mo. Matatanggalan ko sila ng buhok mula ulo hanggang paa kapag hindi ka pa nila tinigilan!" Iritado nitong sambit na nakapagpangiti sakin. "Thank y