Azequil’s POV Lumipas ang ilang oras at hindi pa rin ako mapakali. Ni hindi ko man lang magawang ialis sa isipan ko si Jazmine. Ilang beses na rin akong napatingin sa aking cellphone pero wala akong natanggap na mensahe mula sa kanya. Alas tres na at pakiramdam ko ay kay bagal tumakbo ng oras. Gusto kong makita si Jazmine sa araw na ito at hindi pwede kaya hahanap at hahanap ako ng paraan para makita ko o ang makausap ko man lang siya. Ilang araw na rin akong inaasam-asam ang kanyang presensya at hinding-hindi ako mapakali kung hindi ko siya makita, makausap at mahalikan. “Cancel all my meeting,” seryosong tugon ko sa aking secretary. Hindi ako nakatuon sa kanya sa halip ay sa monitor ko ako nakadiin. “P-po?” tanong nito sa akin na animo’y hindi naririnig ang sinabi ko kanina lang.