Jazmine’s POV Nagising akong may sakit sa ulo. Napahawak ako sa aking noo kasabay ang mabilisang paglitaw ng mainit na ilaw sa aking mukha na alam kong mula sa sikat ng araw. Hindi kaagad ako nagmulat ng mga paningin gayong ang pananakit sa aking ulo ang tanging nararamdaman ko sa puntong ito. Mula sa aking noo ay inilipat ko ang aking hinlalaki sa aking sintido. Dammit! Ilang alak ba ang naubos namin kagabi? “Gising na, Jazmine! Anong oras na ba at nakahilata ka pa diyan? Huwag mong idamay ang pag-aaraal mo sa nangyari kagabi,” si nanay na talak nang talak sa aking kwarto. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Si nana ang unang bumungad sa aking paningin. Napatingin ako sa mga mata nito ngunit nang mapansin ang matutulis nitong tingin sa akin ay kaagad rin akong nap