Azequil’s POV Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Gusto kong pigilan si Jazmine pero hindi ko naman magawa. Nasaktan ko siya nang husto kaya hindi ko siya masisisi pa. Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko kaya hindi ko muna siya magawang kumbinsihin na manatili sa puntong ito. Pero hindi ko naman hahayaang tuluyan nang mawala sa buhay ko si Jazmiine. Hindi ako papayag na malaya na siya nang tuluyan sa piling ko. Ang sakit lang isipin. Ang sakit lang isipin na dahil lang sa isang babae ay nasira ang lahat. Dahil kay Nadia na kailanman ay hindi ko naman minahal nang lubos. Dahil kay Nadia na wala naman sa mga plano ko. Kung alam ko lang sana na hahantong rin pala dito ang lahat ay sana hindi ko na hinayaan pang makapasok sa buhay ko si Nadia. Sana sa umpisa pa lang ay hindi