(Taong 2018) Jazmine’s POV Tahimik akong naghihintay kay Zeke sa ilalim ng puno na ito sqa gitna ng ground nitong unibersidad. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya natagalan sa pagpunta rito gayong wala naman siyang sinabing lalakarin ngayon. Hindi rin niya nabanggit na may practice sila ngayon sa athletics kaya hindi ko alam kung nasaan na si Zeke sa mga oras na ito. Napatingin ako sa aking relos. Doon ay tanaw ko ang oras. Alas singko na ng hapon at sa mga oras na ito ay nararapat lang na nakauwi na kami galing paaralan pero hindi ko man lang maaninag ni anino niya. Saan na naman kaya iyon? Napatingin na lang ako sa engineering’s building at kitang-kita ko na halos lahat ng estudyante ay nakalabas na doon kaya alam kong wala na roon si Zeke. Hindi naman niya nasabing