Azequil’s POV Alas dose na ng tanghali nang lumabas ako sa classroom. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at nagmamadali na akong lumabas sa klase at tinahak ang daan patungo canteen nina Jazmine. Ngayon lang kami nagkakaroon ng time sa isa’t-isa ulit. Sa lunch time lang kami nagkakaroon ng mahabang oras kaya espesyal ang oras na ito para sa akin. Palagi kong inaabangan ang oras na ito gayong tuwing hapon ay madalang na lang kaming nagkakasabay na umuwi ni Jazmine. I hate Nadia. Dahil sla kanya ay nahati ang oras ko para sa Jazmine. Tuwing hapon siya nag-aabang sa paglabas ko sa huling asignatura kaya tuwing hapon rin namin ginagawa ang pagkakamaling iyon sa powder room. Gusto kong makawala. Gusto kong tapusin na ang sitwasyon naming ito ni Nadia per sa tuwing ginagawa ko iyon sa ha